HSLT 62

55 1 3
                                    

•Narrative•

Ilang buwan na rin ang nakalipas pagkatapos ng birthday ni Tori. Pagkatapos din noon ay mas madalas na akong inaaya ni Arrow para samahan siya sa pagpapapractice sa acting chenes niya. At mas naging close kaming dalawa, katulad na lang ni Tori at Tenecius.

Teka, bakit nga ba biglang nasali ang T-couple na 'yon?

So ayon nga, katatapos lang namin ni Arrow na magpractice ngayon na isinasagawa namin araw-araw after class. Magsasabi lang siya ng sample scene o kaya naman ay may ipapabasa lang siya sa akin na "script" na gawa raw ng pinsan niya. Tapos ayon ang inaacting kuno namin.

Pauwi na kami nang biglang mag-aya si Arrow na kumain sa isang fastfood chain. Nagc-crave daw kasi siya sa pagkain doon at ayaw naman niyang kumain mag-isa. Libre naman daw niya, e 'di walang problema! Solve na ang dinner ko!

In-order-an niya ako ng Fried Chicken with spaghetti and rice. Tapos may dessert pang Banana Split tapos drinks na shake. Mad-Diabetes ako nito, e. Pero well, who am I to complain? Siya naman ang nagbayad kaya no problemo!  Hehe.

Hirap na hirap ako ngayon sa paghiwa ng chicken ko gamit ang kutsara't tinidor. Malinis naman ang kamay ko dahil naghugas kami ni Pana before kumain, kaso ayoko lang talaga gamitin ang kamay ko. Arte lang. Sarap talagang sipain ang sarili ko paminsan-minsan, e.

Nagulat naman ako nang biglang kinuha ni Arrow ang plato ko at nilapit sa kanya. "Uy, pagkain ko 'yan 'di ba? Sabi mo libre mo 'yan, binabawi mo na ba? Uy—"

Natigil naman ako ng biglang hinimay ni Arrow ang chicken ko. Maya-maya'y nag-angat siya ng tingin at binigyan nga ako ng isang shining, shimmering, splendid na ngiti. "Ano, dagdag pogi points ba? " aniya sabay kindat.

Ewan ko pero biglang tumaas lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Buset! Bakit parang ang pogi ng Mokong do'n? Artistahin nga talaga 'to!

Kinuha ko na lang ang pagkain ko sa kanya sabay 'Thank You'. Kaso habang kumakain ako... parang may tumitingin sa'kin mula sa likod. Dahil sa curiosity, lumingon ako, only to found out na...

Nandoon pala ang sina Tenecius at mga kabarkada niya. Nagtama ang tingin namin sa isa't isa kaya nginitian ko siya. Pero... umiwas lang siya ng tingin at INI-SNOB AKO?!

Ako, si Kiyarah, inii-snob lang ng isang tulad niya?!

Hmp, Sungit! Bahala siya sa buhay niya!


°|Δ|Δ|Δ|°

Mensahe ni DulceSerendipia:

This chapter is dedicated to @||ColorfulRainbow||

🌈

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon