"Everything happens for a reason"
Yan ang motto ko sa buhay
Kung mangyayari, edi mangyari
"If you fail, don't waste your time regretting, learn from it instead"
Isa pa yan...
Napagod nakong mang hinayang sa isang bagay na nangyari dahil sa pagkaduwag ko
Sabi nga nila
"Nasa huli ang pag-sisisi"
Kaya heto ako ngayon, nagsisisi nanaman dahil sa isang bagay na naduwag akong gawin.
"Sige na, tapos na, wala na tayong magagawa. Ay mali, haha...
wala na nga palang 'tayo' dahil sinukuan mo agad ako, hindi mo ako nagawang intindihin at damayan" di ko mapigilan ang mga luha ko na mahulog galing sa aking mga mata.
Pinigilan ko naman, pero masakit eh, atleast ngayon konti nalang sila napagod na yatang tumulo.
"Ako pa?! Ako pa talaga ang sinisisi mo ngayon? Pakinggan mo nga sarili mo! Minahal kita at alam mo yan, tanggap ko ang lahat ng ikaw dahil 'di naman kita liligawan ng napakatagal kung di kita tanggap." sumisigaw siya...
Nasasaktan ako lalo kapag sumisigaw siya
"Ikaw! Sarili mo dapat ang sinisisi mo, dahil kung hindi ka naduwag hindi sana magkakasira sira ang buhay mo at kung anong meron tayo ngayon" parang karayom,
hindi...
parang panang tumutusok sa puso at utak ko ang mga sinasabi nya, oo totoo, 'di ko lang matanggap pero tama siya.
"Wrong move ka lang Shan, yun ang malaking pag kakamali mo,
naduwag ka"
![](https://img.wattpad.com/cover/145107980-288-k650344.jpg)
BINABASA MO ANG
The Inevitable [Coming Soon]
Teen FictionIf it's meant to be it will be _______________________________________________ "Everything happens for a reason" Yan ang motto ko sa buhay Kung mangyayari, edi mangyari "If you fail, don't waste your time regretting, learn from it instead" Isa pa ya...