Chapter 4

3K 98 1
                                    


AJ's POV

"Guys? Okay na ba mga gamit niyo?" Tanong ko sa kanila habang nakaupo sa couch sa kwarto ko.

Nandito kami ngayon sa bahay at nagreready para sa outing naming magkakaibigan.

We are going to our beach resort in Cebu to relax and have some fun. Kahit may pasok ay nagawan ko pa rin ito ng paraan para kausapin ang head ng school namin na iexcuse kami sa lahat ng mga classes namin. Itinawag naman ito kay Dad and he agreed. I'd say he loves to spoil. Why not? Nagiisa lang naman niya akong anak. 

"Wait lang, si Alishia hanggang ngayon nasa C.R. pa. Sobrang bagal kumilos." Ericka said.

"Just a minute, matatapos na 'ko!" Sigaw ni Ali na nasa loob ng banyo.

"Sure, Ali. Sa pagligo siguro. Pero alam naman nating lahat na kailangan mo pang gawin ang make up routine mo." Sabay irap ni Sab.

"Just do what you guys need to do, para makaalis na tayo." Saad ko habang nagpo-phone.

"Oo! Eto na nga eh!" Sagot naman ni Ali pagkalabas ng C.R.

Sila nalang kasi ang hinihintay ko at pagnatapos nila ay pwede na kaming umalis. I've already finished packing, so I'm just sitting here while looking at my phone.

Facebook, twitter, instragram, diyan lang naman ako nagpapalipat-lipat. Pero nang bumalik ako sa twitter ay bigla akong napahinto nang may makita akong familiar na video. Agad ko ito pinanood at parang saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko. 

It was me, kissing a girl. It was us. 

*Dad sent you a message*

Agad ko itong binuksan at binasa.

Dad: Come to my office. Now.

"Shit." Bulong ko.

Hindi na ako nagreply at agad na akong tumayo palabas ng kwarto papunta sa office ni Dad dito sa bahay. 

"AJ! San ka pupunta?" Huli kong rinig na sinabi nila pagkasarado ko ng pintuan.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng office ni Dad ay huminga muna ako nang malamin para mabawasan ang takot na nararamdaman ko. Para akong pinagpapawisan ng malamig dahil sa kaba.

Sino ba namang hindi? I'm in trouble at alam kong sermon ang aabutin ko ngayon. I didn't know na may nagvideo ng mga nangyari last time. Ang tanga ko, bakit ba kasi laging ang impulsive ng mga desisyon ko sa buhay?

Oo, I look like a princess when I'm at school, I intimidate and scare anyone there, pero pag may nalaman si Dad na ginawa kong kalokohan, tumitiklop ang buong pagkatao ko dahil alam niya kung anong gagawin sa akin. 

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng office niya at dumungaw muna rito. I saw him sitting in front of his office table while reading tons of paper for our companies. Pumasok ako at nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad niyang binitawan ang folder na binabasa niya. 

"Sit down." He seriously said.

Walang imik akong umupo sa harapan nito at huminga nang malalim.

"D-do you need anything, Dad?" Mahina kong tanong. He stretched his neck and removed his reading glasses. Napansin ko ang pagigting ng kaniyang panga dahil sa inis.

"I'm really disappointed in you, Aliah." Saad nito at halatang pinipigilan niyang pagtaasan ako ng boses. " You know your reputation, we have a name. Bakit ba ang hilig mong gumawa ng mga bagay na ikadudumi ng pangalan natin?" He continued.

"I-i'm sorry, Dad." 'Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Sorry? Ano pang magagawa ng sorry mo kung kumalat na sa social media ang ginawa mo kasama ang babaeng 'yon?!" This time ay lumalakas na ang boses niya. "And in my school? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao niyan?" Pagpapatuloy nito at saka tumayo.

Me and My Girl (GL Story) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon