Nasa hapag kainan si Deila Millen Hwang kasama ang kanyang tatlong anak na tahimik na kumakain ng bigla siyang magsalita
"I'm getting married again" pahayag ni Deila sa kanyang mga anak.
"AGAIN?" sabay na tanong ng tatlong dalagita sa kanilang ina. Nabitin pa sa ere ang kanilang kubyertos na isusubo na sana nila sa kani-kanilang gutom na mga sikmura.
"Are you even for REAL?" eksaheradang tanong ng kanyang panganay na anak na si Milka ng makabawi ito sa gulat.
(Milka Dennise Hwang Klintz, The Spoiled Brat. 25 yrs old)
"For REAL? Baka JOKE kamo Milka?" nailing na sabi ng isa pang dalaga na si Mikella, bago bumaling sa kapatid.(Lawreen Mikella Hwang Kanes, The Rebel Daughter. 24 yrs old)
"Seryoso ka diyan sa sinasabi mo Ma?" hindimakapaniwalang tanong ni Milaine sa ina.(Andrea Milaine Hwang Kwon, The Sarcastic Daughter. 23 yrs old)
Hindi pa rin sumusubo ng pagkain ang tatlo matapos magulat sa sinabi ng ina, hinihintay nila itong mag salita. Tumigil naman sa pagkain ang ginang bago sila isa-isang pinasdahan ng tingin. Tumikhim muna siya bago magsalita."You sound like you're against about it" Not a question but a statement. Sabi ng ginang sa kanyang tatlong dalaga na taimtim pa rin nakatingin sa kanya.
"Ayaw niyo ba?" dagdag pa ng ginang ng hindi sila mag salita.
"It's not like that Mom. I'm just shocked, yeah. Ewan ko lang dito sa dalawa" sagot ni Milka sa ina habang tinuturo ang mga kapatid.
"Shocked? Really Milka? Akala ko kasi Exaggerated ka lang." sarkastikong sabi ni Milaine at bumaling sa kanyang kapatid na ikinasimangot nito bago muling tumingin sa ina. "Well for me? I don't really care though, nagulat lang talaga ako" walang ganang sabi nito sa kanilang ina bago nagpatuloy kumain.
"Ikaw Mikella?" tanong ng ginang sa kanyang pangalawang anak.
"Tinatanong mo ba talaga ang opinion ko sa usapin na ito Ma? Sige magpakasal ka kung gusto mo, pero pag ikaw... Nevermind. Tama ng may dalawang half-sisters ako sa iba't-ibang ama. Im done, aakyat na ako sa taas. Goodnight"
Nagkatinginan naman sina Milka at Milaine dahil sa sinabi ng kanilang kapatid bago bumaling sa ina nilang napa-buntong hininga sa kanilang harap.
"Girls, can't you just be happy for me? This will be the last time that I will get married." saad ng Ginang
YOU ARE READING
Sister's Conflict
General FictionThey maybe half-sisters with different father but their life along with their mother was fine not until their mom decided to remarried again with an extra bonus of a step brother.