O puso, kamusta ka na?
Titibok na lamang ba sa mga pangako at pag-asa?
Titiisin na lamang ba ang sakit na nadarama?
Hahayaan na lamang ba magdusa sa kanya?Magparamdam kapag nasasaktan ka na,
hindi yung nagpapaka manhid kahit hindi na kaya.
Sumuko ka na kapag pinaglalaruan na,
gamitin ang isipan dahil di lang puso ang magdidikta.Hindi pa huli ang lahat dahil may karapatan kang lumaya,
iwan ang sakit at ikaw na lamang ang magpaubaya.
Sagipin ang sarili dahil ito parin ang mahalaga,
pagibig na may paglalambing ngunit mayroon din pagluha.Darating ang araw maiintindihan mo din ang ‘yong tadhana,
hindi dahil iniwan mo siya ang pagibig ay nawala.
Darating ang araw na may matatagpuan kang iba,
hindi dahil pinaglaruan ka subalit dahil naging mapag-isip ka.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan