Magkasama tayo noon,
Hindi nagiiwanan mula umaga hanggang hapon.
Magkasamang lumalaban sa lahat ng panahon,
Bakit biglang nawala, saan ka naroroon?Naaalala ko yung mga panahong taglagas ang mga dahon,
Unti-unting nahuhulog sayo; damdamin ay ikinakahon.
Mga pangako para sa isa’t isang binitawan noon,
Ngunit nang dumating ang tagsibol unti-unting nalalason.Nakikipaglaban gamit ang pagmamahal na naipon,
Di ko na hinintay mahulog sayo, sapagkat ako’y tumalon
Subalit nagiisang lumalaban dahil iniwan mo ako doon,
Kahit taliwas sa nararamdaman, magkasama tayo noon.Bago ka lumisan at tuluyang bumangon,
Wag mo hayaang kalimutan ang kahapon.
Bago ka masilaw sa liwanag ng ngayon,
Alalahanin mo sana, magkasama tayo noon

BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan