MFW💫17
Maliwanag na nang umuwe ako sa bahay nag asikaso ako nang sarili para pumasok. Dahil sa nakainom ako ay hindi ko na nagawang bumili nang makakain
Nag iwan na lang ako nang pera sa mesa bago ako umalis.
Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa katre,
Nakapatalikod syang nakahiga
Hindi ko alam kung gising na ba ito at umiiyak dahil parang may naririnig akong humihikbi o baka guni guni ko lang ito.Habang nasa trabaho ay wala nang masyadong tinanong sakin si Buboy.
Alam nya kasing hindi maganda ang timpla ko ngayon.Nang mag uuwian na ay maaga akong inaya ni Buboy na umuwe,
Pero sinabi kong mauna na lang muna sya dahil gusto ko pang magpalamig nang ulo.Nang makauwe si Buboy ay nakipag inuman ako sa mga katrabaho kong ang hilig ay mag inom bago umuwe nang kani kanilang mga bahay.
Kasama naming nag inom ang taga bantay sa ware house.
Habang lahat sila ay nag sasaya ako ay tahimik lang at iniisip ang mga nangyare.Hanggang sa lahat sila ay nagsiuwian na.
Nagpaalam ako sa katrabaho namin na baka pwedeng dito na lamang ako magpalipas nang gabi.
Pumayag naman ito para daw may kasama pa syang magbantay sa ware house.
Nagtext na lamang ako kay Buboy at nakisuyo na dalahan ako nang damit dito dahil hindi na ako nakauwe sa kalasingan.Kinubukasan ay maagang dumating si Buboy dala dala ang damit kong pampasok.
May pag aalala sa mukha nito pero kahit ganon ay hindi nya ako magawang kwestunin sa mga ginagawa ko.Mabilis akong naligo at nag asikaso.
Nauna na akong sumakay sa truck at inantay na lamang si Buboy don.Habang kami ay nasa byahe ay hindi na natiis ni Buboy kaya kinausap na ako.
"Pare, ayos ka lang ba?"
"Ayos lang ako"
"Alam mo pare lahat nang yan may dahilan. Kung kailangan mo nang makakausap andito lang ako"
"Ayos nga lang ako"
Pagkatapos nang usapan naming yon ay wala nang muli nagsalita sa amin,
Parehas kaming tahimik na nagdeliver at nakabalik sa warehouse.Bago bumaba ay sinabi ko na sakanyang mauna na syang umuwe dahil may iba akong lakad ngayon.
Nagbigay ako nang pera sakanya at nakisuyong ibigay na lang yon sa bahay.Sumapit ang gabi at ako n mismo ang nag aya sa taga bantay sa ware house na mag inom, sa ganitong paraan ako nakakalimot kahit panandalian lamang.
Inalok akong pumatili muna dito sa ware house nung katrabaho ko,
Sinabi nyang kung may problema ako sa bahay ay dito na lang muna ako magpalipas nang araw.Pangatlong araw ko na ngayon dito sa warehouse,
Nakaligo at almusal na rin ako.
Inaantay ko na lang si Buboy para makabyahe na kami.
Habang nag aantay ay nanigarilyo muna ako at nakipag kwentuhan sa mga katrabaho ko,Maya maya ay nakita kong dumating si Lily.
Pumasok sa loob nang opisina at kinausap ang amo namin,
Paglabas nya ay nagtama ang mga mata namin.
Agad naman itong lumapit sa akin,"Lily, asan si Buboy?. Tanghali na kami"
Bungad ko sakanya."May sakit si Buboy. Hindi sya makakapasok"
"Ah ganun ba, si Andrea hindi mo kasama?"
"Hindi, andon ang inaanak mo sa bahay nyo. Inaalagaan ang ninang nya--"
Sabi nito na parang may galit ang tono.
Hindi naman ako sumagot sa sinabi nya.
"--Gabriel, alam mong nakunan si Tintin bakit hindi mo sya inuuwian. Alam mo namang nagdadalamhati yung tao"
Dugtong pa nito."Lily hindi lang naman sya ang nagluluksa sa nangyare, kung masakit sakanya yon masakit rin sakin"
Sabi ko nang hindi sya matignan."Ganon naman pala eh, bakit hindi mo sya damayan sa pagdadalamhati. Alam mo bang isa ito sa pinakamasakit sa aming mga ina, ang mamatayan nang anak sa loob nang sinapupunan namin. Dahil pakiramdam namin ay wala kaming kwentang ina dahil hindi namin nagawang maalagaan ng maayos ang anak namin, dugo at laman rin ni Tintin ang nawala sakanya, tulungan mo syang makabangon dahil mahirap ito para sakanya. Palagi na lang namin syang naaabutang umiiyak at nakahiga sa kama, sa tuwing makakausap ko sya ay ikaw ang palagi nyang iniisip na baka kaya daw hindi ka na umuuwe ay nagalit ka sa nangyare, sinisisi nya ang sarili nya Gabriel, alam nating hindi nya ginusto yon walang may gusto sa nangyare, nawala na yung Tintin na pala ngiti at masigla Gabriel, Hindi ka ba naaawa sa asawa mo"
Sabi nito saakin. Hindi ko rin alam kung bakit parang naaapektuhan ako sa mga sinabi ni Lily.Habang nag uusap kami ay biglang lumapit si Mando, isang katrabaho rin namin.
"Gabriel, wala si Buboy ako muna makakasama mo"
Sabi nito sabay sakay sa truck."Lily M-mauna na kami"
Paalam ko sakanya."Gabriel, kung hindi mo kayang alagaan at damayan ang asawa mo sa mga ganitong sitwasyon, bakit hindi mo na lang sya ibalik sa mga magulang nya"
Sabi ni lily bago tuluyang umalis.Pagkasabi ni Lily non ay sumakay na rin ako sa truck.
Habang nasa byahe ay iniisip ko parin ang lahat nang sinabi sakin ni Lily.
Sa isang banda ay nalulungkot rin ako dahil sa alam kong nahihirapan ang kalooban nya ngayon nang dahil sakinAlam kong hindi ko dapat ito maramdaman dahil maling mali ito.
Pero ewan ko kung bakit.
Bakit parang may takot akong naramdaman nang sinabi ni Lily na ibalik ko na lang ang babaeng yon sa magulang nya.
Gustuhin ko man ay hindi ko alam kung paano dahil wala akong ideya sa pagkakakilanlan nang babaeng yon.Natapos ang buong maghapon na para bang wala ako sa tamang wisyo.
Nakabalik kami ni Mando sa warehouse pero tahimik pa rin ako at walang kakibo kibo."Gabriel, tara umpisahan natin ang tagay" aya sakin nang isang katrabaho.
"Pass muna ko pare, uuwe ako sa bahay"
Tama si Lily,
Walang may kasalanan sa nangyare,
Hindi nya siguro alam na buntis sya.
Hindi ko rin alam dahil kung alam ko siguradong pag iingatan ko sila.Tama si Lily.
Siguro ito na ang panahon para bumawe na sakanya,
Sa lahat nang nagawa kong kasalana
Marapat lang siguro na damayan ko sya sa sakit na nararamdaman nya ngayon---
😘👼
Pa Like&vote
CayeLoves💜💕
---