Part one
Bagong estujante si Chubs sa eskwelahaang iyon. Hindi niya aakalain na nakapasok siya sa isang ekslusibong paaralan, naipasa niya kasi ang scholarship. Kung kaya naman ay laking tuwa niya na isang prebilihiyo ang makapag-aral sa paaralang iyon. Matalino si Chubs.
1st year college na siya. Kumukuha siya ng kursong Broadcasting.
Likas siyang masayahin at palakaibigan,ngunit tinataglay niya ang kakaibang “regalo” na bihay sa kanya, iyon ay ang kanyang “third eye”. Nagsimula ito nung sampung taong gulang pa lamang siya. Kung kaya pati mga hindi nakikita ng pangkaraniwang tao ay nagiging kaibigan niya. Lapitin siya ng mga kaluluwa at iba’t-ibang elemento na nang gagaling sa ikatlong dimensiyon ng mundo, malakas ang kanyang paniniwala sa mga ito.
Nagpapahinga siya noon sa ilalim ng puno ng akasya ng may dumating na isang babae, sa tantiya niya’y fourth year ito.
“pwede maupo?” tanong ng magandang babae.
“ah, sige po.” Magalang naman na sagot niya.
“freshman?”
“opo.”
“ah kaya pala wala ka pang kasama.” Ngumiti ang babae.
“ako si Mitch.” Sabay lahad ng kanyang kamay.
“Chubs po.” Inabot niya ang kamay nito at nagkamay sila.
“anong kurso ang kinukuha mo?” tanong ni Mitch.
“criminology po.” Tipid na sagot niya, nag aalangan siyang makipagkaibigan dahil hindi siya sigurado sa ngayon.
“sige, maiwan na kita, kapag may kailangan o tanong ka, nandito lang ako lagi, ito kasi ang paborito kong tambayan eh.” Mahabang pahayag ni Mitch.
“mauna na muna ako sa Chubs, nice meeting you.” Ngumiti at naglakad na palayo ang babae.
Ipinagpatuloy ni Chubs ang pagbabasa ng kanyang magulong schedule.
***
“hi! Nagbabasa ka pala niyan.?” Kinaumagahan ay tanong ni Chubs ng maabutan niyang nagbabasa sa ilalim ng punong iyon si Mitch.
“oo, malakas nga ang paniniwala ko sa mga ito eh.” Nakangiting sabi ng babae.
Ang tinutukoy nila ay ang paranormal book na tangan ng babae.
“wala ka bang mga kaibigan?” tanong ni Chubs sa babae.
“hmmm..meron kaso hindi kami magkatagpo-tagpo eh, halos busy sila.” Hayaan mo ipapakilala kita sakanila one time. Sagot ni Mitch.
“maraming salamat.” Umupo siya sa harap nito.
***
“nakakakita ako ng hindi nakikita ng ordinaryong tao.” Saad ni Chubs.
“ah kaya pala…kaya pala mag-isa ka at wala kang kaibigan eh! Hindi ba sila naniniwala sa mga kwento mo?” tanong muli ni Mitch.
“yung iba hindi, yung iba naman naniniwala.” Saad niya.
“papaano yung humihingi ng tulong? Yung mga kaluluwang may gustong ipa-abot sa kanilang naiwang mahal sa buhay.. kaluluwang lagalag at hindi matahimik na naghahanap ng hustisya.. kaluluwang may kahilingan..natutulungan mo ba sila?” mahabang tanong ni Mitch.
“oo naman, pero sa ngayon,wala pa akong nakikita dito sa school, nararamdaman ko lang sila.” Saad ni Chubs.
***
“Chubs, meet my bestfriend si Jenny, Jenny si Chubs, siya yong sinasabi ko sayong bago kong friend.” Nagkamay sila ni Jenny.
“nice meeting You Chubs, pinagbigyan ko lang itong si Mitch but I have to go, bye!” ani jenny