Chapter 11: ESCAPE GONE WRONG
"WHAT did you find out?"
"No reaction."
"Sigurado ka ba?"
"Positive."
"Pero siya ang direktang natalsikan ng nana."
Dahan-dahan akong nagbukas ng mga mata. Nawalan ako ng malay? Gaano katagal? At bakit ako nawalan ng malay?
Dumaloy sa gunita ko ang ginawa ng TT Cousins . . . Pinagkaisahan nila ako!
Takot ako sa injection! I could stand a freaking worm or even a snake but not a needle! At kumuha sila ng blood sample!
Marahas na bumangon ako sa sofa. Ang una kong namataan ay si Triangle na nasa katapat kong sofa at kinakalikot pa rin ang kanyang miniature aircraft! Huh! Magpaalam na siya sa gawa niya!
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nagulat na lamang siya nang hinablot ko ang gawa niya at ibinagsak iyon sa sahig. The miniature aircraft made a loud sound due to the impact ngunit hindi man lamang iyon nasira. What the hell?!
Nilapitan ko iyon at paulit-ulit na inapakan ngunit napangiwi lamang ako dahil ang paa ko pa ang nasaktan.
"It's no good, Gallego. I told you, this is made of the hardest metal. The best quality," wika ni Tatsulok at pinulot ang kanyang aircraft.
Umuusok ang ilong na tiningnan ko siya. "You traitor! Nagkunwari pa kayong mabait! Iyon pala, bait-baitan lang!"
Triangle raised both his hands like he surrendered but a playful smile was plastered on his lips.
Sunod kong tiningnan si Trench na nasa mesa, kaharap ang hologram ni Aaron. The freaking doctor! Feeling ko, ito ang mastermind sa ginawa ng TT Cousins sa akin!
Let me remind myself that Trench Grande Mariano is responsible for stabbing me the syringe!
Sinalubong niya ang naniningkit kong mata. Wala siyang reaksyon o ano mang mababakas sa mukha niya.
"Hayop ka!" I shrieked.
His lips pouted as he shrugged his shoulders. "I didn't know you will pass out with just one shot," wika niya sa akin.
Huh, kahit kaalaman pa lang na tutusukin ako, hihimatayin na ako! Paano na lang kung tuluyan na talagang tinurok sa katawan?! Damn him! Damn, Triangle! Damn TT Cousins!
"Please calm down, Miss Gallego," wika ni Aaron na nasa hologram.
Tiningnan ko sila nang masama. Hindi applicable sa akin ang salitang kalma. Kapag sinasabihan akong kumalma ay mas lalo lamang akong nagiging hysterical!
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...