Hannah Nicole Montefalcon POV
"Sir, may kailangan po kayo?" tanong ko pagkapasok ko ng opisina ni Sir Dave
Pansin kong may tatlong lalaking nakaupo sa mini couch ni Sir Dave pero hindi ko sila pinansin
"*whistle* nice body"
"Don't mind them, Hannah" sabi ni Sir
Tumango lang ako at ngumiti "Hannah, I know that this would be hard for you but......I need to change secretary" sabi nya
"Eto po ba yung sinasabi nyo nung isang araw?" takang tanong ko
"Yes, so Mr Smith is here. He's your new boss" sabi ni Sir Dave
Tumango nalang ako at napayuko. Lumapit sakin si Sir Dave at niyakap ako "I'll miss you" sabi ni Sir Dave
Napangiti ako at niyakap sya pabalik "Okay lang, Sir. Thank you po" sabi ko at kumalas sa kanya
"Kapag sinaktan ka nyang si Tristan, sabihin mo sakin ah. Reresbakan natin" sabi ni Sir Dave at tumawa
Natawa rin ako at nginitian sya. Ginulo nya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo "You're my favorite Secretary, Hannah" sabi ni Sir Dave at nginitian ako
Tumango ako at hinalikan sya sa pisngi bago lumabas ng opisina nya. Ganun kami kaclose ni Sir Dave, yung kapag uuwi na ako. Hindi pwedeng walang hug at kiss sa noo at cheeks bago pumasok ng bahay, baby nya kasi ako. Charot! Baliw nanaman ako
"Move faster"
Napalingon ako sa likod ko at tumango bilang sagot at dumiretsyo sa table ko. Sa labas lang kasi ang working place ko, para daw malapit ako kay Sir kapag tinatawag nya ako
Kinuha ko ang mga gamit ko at nilagay sa bag ko. Mga files na ang tambak na folder sa gilid ng table ko, sa Company yan kaya bakit dadalhin ko. Yan ang mga dapat papapirmahan kay Sir Dave
"Hannah?"
Napaangat ang tingin ko "Po?" tanong ko
"This is Tristan James Smith, he's my friend. Ingat ka dito, nangangagat yan" sabi ni Sir Dave at inakbayan si Sir Tristan
Tumango ako at sinarado ang bag ko bago lumapit sa kanila "Kapag natapos ang problema ko, babalik ka din dito" sabi ni Sir Dave at ngumiti sakin
Tumango ako at napangiti "Para ka talagang bata" sabi nya at ginulo ang buhok ko
"Let's go, Miss" sabi ni Sir Tristan at hinawakan ang braso ko pero hinila ako pabalik ni Sir Dave
"Tristan, tandaan mo ang sinabi ko kapag may nangyaring masama sa batang to. Hindi kita sasantuhin" sabi ni Sir Dave at tinignan ako
"Ingat ka" sabi ni Sir Dave
Tumango ako bilang sagot at samama na kay Sir Tristan. Pumasok kami sa Private Elevator at pinindot nya ang ground floor "You love to stay quiet huh? Interesting" sabi ni Sir Tristan at tinignan ako
"Your too young for this job" sabi nya
Napayuko ako "Hindi naman po batayan ang edad kung makakakuha ka ng trabaho, base lang po yan sa pinapakita nyo at sa pinag-aralan nyo. Wala naman po akong gagawing masama eh kaya tinanggap ako ni Sir Dave" sabi ko
"You're right. Dave is right, you're smart" sabi ni Sir Tristan
Inangat nya ang baba ko at ngumisi "I want to know about you more, come on. Tell me about yourself" sabi ni Boss
"Hindi po ako nagsasalita ng marami" sabi ko at napakurap ng dalawang beses
*ting*
Lumabas na si Sir Tristan kaya sumunod ako agad sa kanya. Mabilis maglakad si Sir Tristan dahil malalaki ang hakbang nya, matangkad sya, masasabi kong gwapo sya dahil yun ang totoo. Maganda ang pangangatawan at may malalim na boses
Humarap sya sakin kaya napatigil ako "Remember this car, it's mine" sabi ni Sir Tristan
Pinagmasdan kong mabuti ang magarang kotse sa likod ni Sir Tristan at tumango "Hop in" sabi ni Sir Tristan
Pumasok sya sa driver seat at ako naman sa shotgun seat. Nagsuot ako ng seat belt at tinignan si Sir Tristan "Tell me if you are not comfortable" sabi nya
Tumango ako bilang sagot at tipid na ngumiti. Nagmaneho sya ng tama lang ang bilis at kita ko ang boredom sa mukha nya "Sir Tristan....."
"Yes?"
"Kayo po ata yung hindi kumportable" sabi ko at pinagmasdan ng mabuti ang mukha nya
"You think?" tanong ni Sir Tristan
"Opo" sagot ko at napangiti
"I'm fine, don't mind me" sabi nya at tinignan ako tsaka ngumiti bago ibalik ang tingin sa daan
Minsan pala hindi din kumportable na magmaneho sa sarili mong sasakyan? Ganun ba talaga yun?
****
A/N:Hello po! Nagiba ang ihip ng hangin ng bida ko
Mula sa mahilig sa action naging si Maria Clara. Inosente at mahinhin ang bago nating bida
Malalaman nyo rin kung bakit sya ganyan
Another story nanaman itey! Bagong kalokohan ko nanaman, mawiwindang nanaman ako sa kaiisip ng mga concept. Hindi to Vampire Story na may gera pero kapag natripan ko gagawan ko, hehehe sira-ulo ako eh. Ganun talaga
Sige na, sumainyo ang kagandahan at kagwapuhan mga anghel na sumusubaybay sa kwentong kong punong-puno ng kabaliwan
Lovelotz
-clazore_love
YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasyHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...