CHAPTER III - Confidence

458 7 0
                                    

April 6, 2015. Makalipas ang isang buwan na walang palya sa paggi-gym. Pagkatapos ng kanilang training ay muling nagtimbang si Chelsea.

Chelsea: Wow! Coach, from 220 pounds, 205 na lang. Mukhang effective ang work out at diet plan natin ah?

Lestat: Congrats Chel! Basta tuloy tuloy lang.

Chelsea: Ngayon pa ba ako titigil coach? Ang ganda na ng progress ko.

Lestat: Gusto mo bang magdagdag tayo ng activities para mas marami tayong ma-burn na calories?

Chelsea: Anong activity coach?

Lestat: Mag-jogging tayo sa UP sa Sabado.

Biglang napaisip si Chelsea. Kaya na ba niyang makisalamuha sa maraming tao?(ang tumatakbo sa kanyang isip).

Lestat: "If you don't have confidence, you'll always find a way not to win".

Sumagot si Chelsea.

Chelsea: By: Carl Lewis. Kayo talaga coach, lagi na lang quotes ang pang-convince 'nyo sa akin. Sige, mga what time tayo aalis?

Lestat: Four am, tatawag na lang ako sa inyo. Mukhang marami ka ng naiipon na quotes ah?

Chelsea: Oo coach, ang ganda ng books na nahiram ko sa inyo.

Lestat: After nating mag-jogging sa UP, magtingin tayo ng magandang libro sa bookstore.

Chelsea: May binanggit ka sa akin coach last time na basahin ko. Ano nga ulit 'yun?

Lestat: Ah 'yung "The Secret: Law of Attraction". Hanapin natin sa bookstore sa Sat.

Tumangu-tango si Chelsea.

Chelsea: Kumusta na kaya si Lia?

Lestat: Nakita ko last time, nahihiya nga sa akin. Ayun, mas lumobo pa.

Chelsea: Sayang, kung hindi lang sana 'sya nakinig sa mga nang-aasar sa kanya, sana kasabay ko pa rin 'sya sa paggi-gym.

Lestat: Nakakalimutan kasi natin na nature na ng tao ang may laging naririnig sa kapwa. "Pag payat ka at nag-gym ka, pagtatawanan ka. Pag mataba ka naman, kukutyain ka rin". "May gawin ka man o wala, may sasabihin sa 'yo ang mga tao". Kaya wala kang dapat ibang pakinggan kundi ang sarili mo, na kaya mo basta maniwala ka lang".

Chelsea: Nga pala coach, pwede ba akong mag-take ng commercial slimming pills?

Lestat: Pwede naman, pero di ba itinuro ko na sa'yo na may natural fat burner ang katawan? Nakikita na nga natin na nagre-respond nang maganda ang katawan mo sa diet plan at sa exercise na pinapagawa ko sa'yo.

Ngumiti si Chelsea.

Chelsea: Sabagay, tama ka coach. 'Nung itinuro mo sa akin na uminom ng isang kutsarang apple cider bago matulog, pagkagising at bago mag-lunch, tapos nguyaing mabuti ang kinakain at 'wag magmadali, napansin ko nga na ang gaan ng pakiramdam ko. "Insulin sensitivity" lang pala ang sekreto.

Lestat: Basta 'wag ka lang mainip, ang babae kasi mas mabilis pumayat kaysa sa lalaki. After 6 weeks mo sa gym, may ipapagawa ako sa'yo na pang-cardio. Kahit nagpapahinga ka na, nagbu-burn ka pa rin ng calories. Ito 'yung exercise na one week ko pa lang ginawa pero almost seven pounds agad ang ibinaba ng timbang ko kasabay ng proper diet. Kaya hinahanda ko din ang katawan mo sa mas challenging na routine.

Tumangu- tango si Chelsea.

Habang nag- uusap ang dalawa ay may dumating na babae. Umagaw ito ng pansin kay Chelsea. Nasa 5'-4" ang taas, slim ang katawan na kitang kita ang hubog sa suot nitong sleeveless na violet, leggings na skin tone ang kulay at running shoes. Maganda ang oval-shaped na mukha nito kahit walang make-up. Matangos ang ilong at medyo matulis ang labi, at ang mga mata ay parang mata ng Koreana. Nakapuyod ang mahabang buhok na kulay brown-red kaya nagmukha itong si Barbie. Lumapit ito sa kanila.

Bakit Gustong Pumayat ng Mataba (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon