August 8, 2015. Limang araw pagkatapos ng insidente ng suntukan nina Lestat at George sa River Front Restobar. Tatlong araw pagkatapos niyang pirmahan ang fight contract ay puspusan ang pag-eensayo ni Lestat sa ilalim ni Coach LA. Tatlong buwan mula sa araw na ito ay itinakda ang laban nina Lestat at George. Alas singko hanggang alas otso ng umaga ay tumatakbo siya sa oval ng Marikina Sports Center. Una nilang pinalakas ang stamina ni Lestat.
Pagdating niya sa Gym ng 10am ay agad siyang binati ni Roger
Roger: Idol, one million views na ang "MMA vs Bodybuilder" (pagbubog ni Lestat kay George) video mo.
Lestat: Nakauna lang ako kaya ko napatulog si George.
Roger: Pero astig pa rin 'tong ginawa mo. Lumakas ang gym natin at dumami pa lalo ang nagbubuhat at pati na din chicks.
Lestat: Tuwang-tuwa ka naman at puro chicks ang tinuturuan mo?
Roger: Syempre naman! (Sabay tawa nang malakas)
Habang nag-uusap sina Lestat at Roger ay lumapit ang katatapos lang na mag-workout na si Atty. Wena, na tinuruan naman ni Hailey. Nagbatian ang tatlo.
Atty. Wena: Coach, nai-file ko na sa Korte ang kaso ni Chelsea. Malaking bagay ang mga ebidensya natin. Kaso after six months pa lalabas ang "warrant of arrest" para kay George.
Hailey: Ang tagal po pala noh?
Atty. Wena: Oo, kasi matagal ng nangyari ang krimen pero kung within 36hrs ay naireport agad sa pulis ang kaso, dampot agad si George. Hindi na kailangan ng warrant of arrest.
Lestat: Attorney Wena, baka pwede ko ng malaman kung saang shelter tumutuloy si Chelsea? Promise, hindi ko 'sya pupuntahan.
Tumawa si Atty. Wena.
Atty. Wena: Coach Tats, kung ako lang ang masusunod, matagal ko ng sinabi sa'yo. Kaso request ni Chelsea na h'wag sabihin sa'yo eh!
Lestat: May ituturo akong bagong diet sa'yo Attorney.
Atty. Wena: Nanunuhol ka pa talaga Coach Tats ah?
Tumawa ang dalawang babae, naaawa at natatawa sila kay Lestat. Si Lestat naman ay napakamot na lang ng ulo.
Maya maya pa ay dumating na si Coach LA at tinawag na si Lestat. Agad lumapit si Lestat at nagpaalam sa dalawang babae.
Lestat: Yes Coach! Anong routine natin ngayon?
Coach LA. Manonood tayo ng mga laban ni George. Pag-aaralan natin ang kilos niya.
Tumango si Lestat at tinungo nila ang pribadong kwarto ni Lestat.
Unang laban pa lang ni George ay napatulog agad nito ang kalaban sa first round. Tutok na tutok si Lestat sa bawat laban ni George. Hinahanap niya ang kahinaan ni George.
Natapos nilang panoorin ang mga videos. Dahil puro first round knockout ang mga kalaban, masyadong mabilis ang mga laban at walang nakitang kahinaan si Lestat. Tinanong siya ni Coach LA.
Coach LA: Ano Coach Tats, anong napansin mo sa mga laban ni George? May nakita ka bang kahinaan?
Umiling si Lestat.
Lestat: Puro knockout ang kalaban sa first round pa lang kaya wala akong nakitang kahinaan. Depende na lang kung may laban siyang tumagal ng higit pa sa first round (Napatigil at may pumasok na idea sa isip). Teka, hindi kaya mahina ang stamina ni George?
Coach LA: Kung 'sya pa din ang George na dati kong estudyante, malamang tamad pa rin si George sa cardio workout. Isa 'yan sa dahilan kung bakit hindi kami magkasundo.
BINABASA MO ANG
Bakit Gustong Pumayat ng Mataba (COMPLETED)
Romantizm"Mataba, Baboy, Balyena, Butanding, Elepante etc"..ilan lang ang mga ito sa mga panunukso kay Lestat ng mga tao para makaranas siya ng matinding depresyon. Hanggang sa nakilala niya si Daisy, na kanyang naging inspirasyon para simulan ang pagpapapay...