November 15, 2015. Isang Linggo pagkatapos manalo ni Lestat laban kay George. Nag-outing ang kanilang buong grupo kasama ang pamilya ni Lestat. Nag-rent sila ng isang private resort sa Pansol Calamba City Laguna para mag-overnight swimming.
Nasa pool ang dalawang kapatid ni Lestat at nakikipagkulitan ang mga ito kay Daisy. Samantalang si Coach LA naman ay nasa isang tabi lang na nagpapalutang, nakapikit at nagre-relax. Nakatanaw lang si Lestat sa mga nasa pool. Pinagmamasdan niya si Daisy. Napansin siya Hailey kaya nilapitan siya nito at inabutan ng isang bote ng beer.
Hailey: May balita ka na ba kay Chelsea?
Umiling lang si Lestat.
Hailey: Naka-activate na ba ulit ang FB mo?
Lestat: Oo. Gumawa rin ako ng page para sa gym natin, ang dami na ngang likes eh. Sinubukan ko ring hanapin si Chelsea, baka may FB 'sya. Nakita ko naman na may FB 'sya kaya kahit maglilimang taon ng inactive ang account, in-add ko pa din.
Tumango si Hailey.
Hailey: Kaya ba gusto mo ng sumuko at iniisip mo na baka pwedeng si Daisy na lang?
Huminga nang malalim si Lestat at saka nag- exhale.
Lestat: 'Yan ang gusto ko sa'yo Ley eh, ang lakas mong mangonsensya. Sige na, kahit tumanda na akong binata kahihintay sa pagbalik ni Chelsea, gagawin ko para sa manok mo.
Tumawa si Hailey.
Hailey: Bigyan mo pa ng oras si Chelsea, mga tatlong buwan pa. Enough time na rin 'yan para huwag magmukhang "rebound girl" mo si Daisy. Mabait si Daisy at hindi 'nya deserve na maging reserved mo lang 'sya.
Lestat: (Pabulong na nagsalita) Tatlong buwan? May tatlong buwan pa ako para hanapin si Chelsea.
Habang nag-uusap ang dalawa ay biglang may tumugtog. Napalingon sina Lestat at Hailey kung saan nanggagaling ang sound. Si Roger ang nagpatugtog ng bluetooth speaker at nakangiti ito sa kanila nang sulyapan nila. "Naghihintay" ng Six Cycle Mind ang kanta na pinatugtog nito.
Napakamot ng ulo si Lestat at tumawa ulit si Hailey.
Hailey: Ang galing mo talaga idol Roger. Alam na alam mo talaga kung ano ang soundtrack ng isang eksena.
Sumenyas si Roger ng "Ok ba?" sa kanilang dalawa.
Lestat: Eto talagang kaibigan ko, ang lakas talagang mang-trip.
Hailey: Namnamin mo na lang ang lyrics ng kanta Coach Tats. (sabay tawa) Favorite kong banda 'yan.
Lestat: Para na akong mababaliw sa kaiisip kay Chelsea.
Eksaktong natapos ang kanta ay tinawag na sila ng Mama ni Lestat. Handa na ang kanilang pagkaing pagsasaluhan.
AFTER FOUR MONTHS - Present day
Nagpupunas ng pawis si Hailey nang lumapit siya kay Lestat na katatapos lang ding turuan ang kanyang kliyente.
Hailey: Grabe! Maaga pa lang ang dami ng customers. Iba talaga ang hatak mo Coach Tats.
Ngumiti si Lestat.
Lestat: Anong ako? Tayo! Lahat tayo ay nagsikap para palakasin ang gym natin.
Tiningnan ni Hailey ang kanyang relo.
Hailey: Hala! 11:30 na pala. Coach Tats, mauuna na ako sa'yo. May appointment pa ako kay Mr. Corpuz ng 1:00 pm para sa second branch natin ng gym supplements at apparels. Ikaw na ang pumunta sa supplier natin ng mga apparels sa Taytay mamaya. Remind ko din yung 12:30 na meeting mo sa McDO kay Mr. Yuri, 'wag kang male-late, malaking account 'yan pag na close natin.
BINABASA MO ANG
Bakit Gustong Pumayat ng Mataba (COMPLETED)
Romance"Mataba, Baboy, Balyena, Butanding, Elepante etc"..ilan lang ang mga ito sa mga panunukso kay Lestat ng mga tao para makaranas siya ng matinding depresyon. Hanggang sa nakilala niya si Daisy, na kanyang naging inspirasyon para simulan ang pagpapapay...