CHAPTER 10

3.4K 78 2
                                    

"IS YOUR MIND still in the right place?!  Naninigurado lang naman ako,  baka kasi nalaglag na sa talampakan mo kaya hindi na gumagana! Maine, ipapaalala ko lang sayo ha.  Muntik ka ng mapahamak dahil sa hinayupak na yun.  And yet,  you still want to go back and make up with him? Are you that naive??? " bulyaw ni Silver sa kanya matapos siyang hilain sa loob ng kanyang kuwarto.

Is she that naive?  Mahina siyang natawa. "I think so.  "

Silver glared at her. "Wow! You should be awarded with the most naive wife of all time award. Congratulations. " sarkastikong bulaslas nito.

Nag-angat siya ng tingin then she met Silver's gaze. "Call me naive?  Go ahead.  Call me martyr?  Go ahead.  Susundin ko pa rin ang binubulong nito. " aniya saka tinura ang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. "Hindi lang siya ang may mali sa aming dalawa.  We both made a mistake at dapat naming kalimutan iyon para makapagsimulang muli. Bakit? Dahil Mahal ko siya!  At hindi kayang kalimutan ng puso ang pagmamahal na iyon.  I can't teach my heart to love someone else. Kaya kong tanggapin siyang muli sa buhay ko.   That's how deep my love is. "

Silver is just staring at her like she lost he head. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Napayuko siya saka tumingin sa daliri niya kung saan naroong ang kanyang wedding ring.  Hangga't suot niya ang singsing na ibinigay sa kanya ng asawa noong kasal nila ay hindi siya bibitaw sa pinangako niya sa simbahan. 

'For richer and Poorer,  in sickness and in health.  Till death do us part. '

"As a brother, I don't agree with your decision. " basag ni Michael sa katahimikang tinatamasa nila.  Pareho silang napalingon ni Silver sa binata.  Nakahilig ito sa hamba ng pintuan. 

Umayos ito ng tayo saka nakapamulsang lumapit sa kanila at umupo sa kaharap niyang upuan.

Inabot ng binata ang kanyang kamay saka ito humugot ng malalim na buntong hininga. He met her eyes. " Listen,  Naiintindihan kong mahal mo siya.  Pero hindi ibig sabihin nun na magpakatanga ka para sa kanya.  You should atleast learn to love yourself first.  You love him so much that you even hurt yourself just to stay beside him. Lil sis,  sa pag-ibig dapat give and take yan." Napailing ito. "But,  you have all the right to decide.  Kung ano man ang napagdeseisyonan mo, kung saan ka masaya. Asahan mong suportado ka namin ng babe ko. " anito saka nilingon ang kasintahan. "Diba babe? "

Itinirik ni Silver ang mata. "Why of course,  it's your life and happiness after all. " anito saka pekeng ngumiti.

She smiled widely.  Niyakap niya ang dalawa sa sobrang kasiyahan. "Salamat sa pang-unawa. " They both tap her back,  assuring her that all is going fine.

Kumawala siya sa yakap saka malapad ang ngiting tumingin sa mga kaibigan.

Michael tsked. "Pero pag sinaktan ka muli ng ugok na yon.  Kahit kasuhan mo pa ako ng detention at kidnapping hinding hindi na kita hahayaang makita ng tarantadong yun. " parang may humaplos sa puso niya sa sinabi ni Micheal.  He's always been like this.  Nauna man silang nagkakilala ni Heaven pero mas malapit ang loob nito sa kanya.  Naaalala kasi nito sa kanya ang nakakabatang kapatid.  Sadly,  namatay sa aksidente ang kapatid ni Micheal.  Kaya overprotective ito sa kanya.

Hindi siya nasasakal sa kaibigan,  Actually she felt so loved. Nagpapasalamat siya sa Panginoon na binigyan siya ng mga kaibigan na tinuturing siyang kapatid.

"Yes po kuya. " Michael smiled saka ginulo ang buhok niya.  Gustong gusto kasi ng binata na tinatawag niya itong kuya.

Sumipol si Silver.  "So sweet,  kayo na ang magkapatid. "

I'm the Wife of the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon