Chapter 12

171 13 10
                                    

Jigger's POV

"WHAT the heck is wrong with you? " Iritado kong tanong nang mapansin kong panay ang ngiti at titig sa akin ni Levi, habang sumusubo ako ng chicken soup. 

"Why? " Nagkibit ito ng balikat.

Sinamaan ko 'to ng tingin. "You're.. creeping me.. "

"Hah? "

"Seriously, sasabuyan kita ng holy water— "

"Fine! " Natatawang tumayo ito sa kan'yang kinauupuan. "Masama bang maging masaya? " Naiiling ito.

"Why? " Lalong nagusumot ang aking mukha. He's acting weird. Anong nakain ng tukmol na 'to?

"Nothing. Basta, masaya ako. Bakit ba? " Anito at naglakad na palabas ng aking kwarto. Nasipol-sipol pa ang loko. Agang-aga ay bubulabugin ako nito tapos ngingitian lang pala ako na para bang ipinahihiwatig n'ya kung gaano ako kamiserable ngayon.

Great! Habang ako rito ay nagdudusa sa pagkakaro'n ko ng sakit, ito naman ay napakasigla at akalamo'y isang nagbibinatang highschool student na sinagot ng kan'yang crush, kung umakto. Tsk.

Napapailing na lang akong itinuloy ang aking pagkain. Kung bakit ba kasi ngayon pa ako nagkasakit, kung kelan naman aasikasuhin na namin yung photoshoot.

Hindi tuloy ako makakasama para magmando. Mabuti na lang din ay nand'yan si Levi para asikasuhin ang lahat. Ang kaso, pinoproblema ko nga lang ang about kay Cheska, lalo pa't magkagalit kami nito ngayon. Ewan ko lang kung mapapapayag s'ya ni Levi para gawing isa sa mga modelo namin.

Napakamot ako sa aking bumbunan. Mas maigi na nga lang siguro na si Levi na muna ang mag asikaso. At least hindi ako ang mamomroblemang suyuin ang aking step sister---

Tsk! Bakit ko ba pinoproblema ang tungkol sa babaeng iyon, eh wala naman akong pakialam kung pumayag man ito o tumanggi..

Wala akong paki!---

"Aww! F*ck! " napasapo ako sa aking labi nang mapaso ako sa isinubo kong mainit na chicken soup. Nakalimutan ko na itong ihipan dahil sa labis na pag-iisip. T*ngina naman. "Ugh. " Padabog kong ibinalik ang kutsara sa bowl ng soup. Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain.

Cheska's POV

"JESS?! " Excited akong napatakbo palabas ng elevator nang makita ko sa bungad ng reception area si Jesthony. Naiwan ko na tuloy si Levi na kasabay ko sa pagbaba.

Ngayon alam ko na kung bakit gusto ako nitong isama rito, mukhang ipinaalam nito sa aking best friend kung nasaan kami ngayon. My God! Pasasalamatan ko s'ya mamaya!

Bahagya pang nagulat si Jess nang ikawit ko sa kan'yang batok ang aking mga braso, at niyakap s'ya nang mahigpit. Muntikan n'ya tuloy maiaglag sa sahig ang bitbit na shoulder bag.

"Aray! Aray! Wet lang! Ano vah, gurl! "

"Jess! " paiyak kong sabi at nagtatatalon sa kan'yang harapan. Sa wakas, may kasama na ako ritong kakampi.

"Nako hah! " Mataray nitong inabot ang magkabila kong kamay at iginewang-gewang pagilid. "Nasaan 'yang piste mong step brother?! Dala ko shot gun ko, babarilin ko na 'yan sa bumbunan nang matanggal na sa kan'yang ulo ang sungay n'ya! " Pagkatapos ay umakto itong maghahalungkat sa kan'yang bag.

May The Best Jerk WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon