Kabanata 6
Mine
I can clearly remember, I was in middle school when I started asking about my grandparents and why's everyone having it except me. I'm also sure one of those years were the year where I realized why I don't have one.
With the absence of my father. I tried to find something more than what my mother can give me. Longing for an extended family's love and care, I tried to get answers on my own only to be fed up with hurtful truths that made me grow.
She loathes my mother. And I'm my mother's daughter, the reason why she probably loathes me, too.
"Go in," sabi ni papa. Kunot noong napalingon ako sakanya at napabitaw sa pagkakahawak sa door handle na bubuksan ko na sana.
"Hindi ka po ba talaga papasok? Magpapakita manlang kay lola?" tumingin lang ito sandali sakin at ngumiti bago ginulo ang buhok ko.
"Hindi na siguro," handa na sana ako magprotesta ng ilagay niya ang index finger niya sa labi ko para pigilan ako magsalita.
"Sige na hinihintay na ako ng mama mo. Ilang oras pa akong magd-drive oh? Baka traffic pa," nanlumo ako sa sinabi niya mukhang desidido talaga siyang di magpakita kay lola.
Yumakap ako sakanya. "Pakisabi nalang po kay mama, miss ko na siya," tumango lang ito at hinalikan ako sa noo, hindi na muling nagsalita pa. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago napagdesisyonang lumabas.
"Ingat."
Inantay kong makalayo ang sasakyang minamaneho ni papa bago ko hinarap ang gate ng mansyong pinagbabaan niya sakin. Saglit kong kinuha ang compact mirror ko bago tinignan kung maayos ba ako at mukhang presentable para naman ay mukhang hindi ako kahiya-hiya sa harap ni Lola.
Habang nagaayos ay hindi sinasadyang sumaglit sa isipan ko ang hitsura niya, kung papaano niya ako tatratuhin mamaya at kung paano ako aakto sa harapan niya.
Hindi ko na matandaan pa ang mukha ng lola ko. Kung nagkita man kami noon ay paniguradong bata pa ako at walang kamuwang-muwang sa mundo. For me I never met her in my whole life. Isang beses ko lang siya nakita at sa isang lumang litrato pa.
Standing here, a chance of meeting her any minute feels surreal to me.
Sa mga kwento ni mama ay isa naman itong mabuti at mabait na ina. I looked up to her even though mama said I can only meet her on my dreams because that's nearly impossible. I'm one of the reason why my father turned his back on her, na kahit makita manlang ako ay siguradong maaalala niya kung paano itinapon ni papa ang mga pangarap nila at kung paano siya tinalikuran ng sarili niyang anak para sa binubuo nitong pamilya.
"Sino po sila?" bungad na tanong sa akin ng guwardyang nagbukas ng gate ilang minuto matapos kong magdoorbell.
"Hello. Ako po si Lyrae Dela Cuesta. Anak ni Gabriel Dela Cuesta," sabi ko gamit ang isang malumanay na boses. Nakita ko ang biglaang pagkataranta sa mukha nito bago ako iginaya papasok. "Pasok ma'am."
He led me the way. I walk through the paths habang siya'y hindi magkandaugaga at nauna nang maglakad. Lumibot ang paningin ko at tumigil sa isang maliit na fountain sa gitna hanggang sa makarating kami sa harap ng dalawang malaking double door. Hinila niya ang isa sa mga ito at pinapasok ako.
"Sino?" tanong ng isang kasambahay na batid kong para sa guwardyang nasa likuran ko, na natigil pa sa paglilinis ng salamin sa gilid ng malaking pinto sa pagkabigla ng makita ako.
"Ma'am Lyrae," ang guwardya.
Katulad nito ay nakitaan ko din ng pagkataranta ang kasambahay matapos marinig kung sino ako. Dali-dali niya akong iginiya sa salas bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Stuck Forever With You
Подростковая литератураA city girl and the miss independent from Manila, Lynnea Marie Dela Cuesta needs to continue her studies on a province because of her father's request to fix their family again and live simply in an urban place in Cebu where she will meet those who...