Chapter 30

23.2K 299 12
                                    

A/N: SORRY FOR THE LATE UPDATE!! Huhu :'( Ang dami ko lang talagang ginagawa. Ang dami kasing adjustment sa schedule ko -.- Sorry po talaga

***

Claude’s POV

Pauwi na ako galing sa photo-shoot. Tinatanong nila ako kung bakit hindi ko na daw isinasama si Hayley sa shoots ko. Hindi nalang ako kumikibo.

Mag-iisang linggo na nung pinaalis ko si Hayley sa bahay.

Sobrang nakakapanibago. Wala akong makausap, at wala din akong kakulitan.

Bakit ba napaka-lupit sa akin ng pag-ibig? Hindi ba ako pwedeng sumaya? Bakit yung mga minahal ako kailangan akong lokohin at paikutin?

Ang mas masakit pa, pareho ko silang minahal ng husto. Minahal ko sila ng totoo, nagmahal ako ng tapat. Pero bakit ganun? Ako pa din yung nasaktan? Ganun ba talaga kapag ikaw ang nagbibigay ng tunay na pagmamahal? Ikaw lagi yung masasaktan?

Hindi ako bakla, pero sa tuwing maalala ko yung ginawa nila Lianne at Hayley sa akin, umiiyak ako. Sobrang sakit, ang sakit sakit.

*HOOOOOOOOONK!!!!!!!!!*

Bigla akong napa-preno. Hindi ko napansin na naka-red light pala at may truck na sumulpot sa kabilang lane ng kalye

“Hoy! Sabihin mo kung magpapakamatay ka! Wag mo akong isali sa ka-dramahan ng buhay mo!” aba gago to ah! At dahil ayoko ng gulo, hindi ko nalang pinansin yung driver. Masira pa ang image ko.

I arrived at the village. May nakita na naman anong pulang kotse na naka-park malapit sa bahay. Tingin ko kay Maggie na naman yun at kasama niya siguro Hayley.

Pero bakit ganun? Ang gulo ng nararamdaman ko? Bakit parang kinakabahan ako, tapos parang nae-excite akong pumasok?

Namiss ko ba si Hayley?

Pagka-park ko ng kotse ko sa garage, hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Maggie na lumabas ng bahay. Pinuntahan naman niya ako.

“Hi Claude” nakangiti nitong sabi sa akin

“Hi Maggie. What are you doing here?”

 

“Uhm, can I ask you something?”

 

“Sure, what is it?”

“There’s someone waiting for you inside. Please? Just let HER explain. Hindi mo malalaman kung anong nangyari kung hindi mo maririnig yung side niya. You should know the whole story, because you deserve to know”

 

“What do you mean by ‘you deserve to know’? And besides, narinig ko na lahat ng nangyari. So, please? You can go now, I don’t need anymore explanations”

The Greatest Martyr of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon