My Boy (One shot)

216 8 6
                                    

Kanina pa ako dito sa park hanggang ngayon hindi ko pa din makita ang target ko. Ang init pa naman, ang flawless skin ko, Oh noes!

Suko na ako, padabog kong kinuha ang journal ko at akmang aalis na ako nang nakita ko na ang hinahanap ko.

"Gotcha!" bulong ko sa sarili ko.

Nakita ko ang isang lalaking tinutulungan ang isang matandang patawid dito sa park. The good boy. Pero hindi pa rin ako nakaka-sigurado kaya't acting mode on.

Hinintay ko silang makalapit sa swing na kinauupuan ko bago ako, "Aray!" dinapa ko paupo ang sarili ko..namali ata ako ng bagsak, ang sakit eh!

"Aray! Huhuhuhu...tulong! Tulong! Tulungan niyo akoooooo! Huhuhuhu!"

"Miss, ayos ka lang ba?" may unggoy na lumapit sa akin. Ano ba good boy ang bagal mo ihatid si lola! Kailangan kita dito!

"Huwag mo akong hahawakan, sasaktan kita! Alis!" inis na sabi ko sa unggoy na 'yun..haharang harang pa mamaya hindi ako makita ni Gb!

"ang ganda mo pa naman ubod ka naman ng sungit, ikaw na lang ang tutulungan.." Malungkot na sabi ni unggoy...pinapainit mo ang ulo ko!

"ang daldal mo! Hala sige alis!" ipit na sigaw ko dito, umalis ka na please malapit na si Gb!

"Oo na!" sabay alis nito.

Inayos ko ulit ang sarili ko dahil nandiyan na si Gb.

"Aray! Tulooooong please! Kuya, help me. I'm in so much pain." Sabi ko dito at hindi ako nagkamali nilapitan niya agad ako pagkatapos niyang ihatid 'yung lola.

"Miss miss miss, anong nangyari sayo?" pabalik balik na tingin nito sa akin at sa swing. 'yung mukha niya tarantang taranta. Perfect!

"nahulog kasi ako sa swing huhuhu, ang sakit." Sabi ko habang hinihimas ang balakang ko, totoo medyo masakit pero acting mode ako eh.

"kakayanin mo bang tumayo? Halika dadalin kita sa emergency room baka....ikamatay mo yan uwaaaaa hindi pwede!" Ano sa ER? Ayoko!

"Ha?! A-ano? Hatid mo na lang ako sa condo ko please.." walang pakundangang sabi ko dito. Hindi kita pwedeng pakawalan, kailangan kita GB.

"sigurado ka ba? Hindi mo ako kilala, tapos----" Huwag ka ng hard to get Gb!

"Sure ako! Sige na, ito ang susi ng kotse ko, tuturo ko ang daan." Huwag ka ng tutol pa, bigyan mo lang ako nang tatlong araw, pinapangako ko mahuhulog ka sa akin.

"a-ah o-okay?" napahawak ito sa kanyang batok, siguro dahil nabigla sa mga pinag sasasabi ko. hahahahahaha!

Wala pang 10 minutes ay nakarating na kami sa condo unit ko, nung una ay tumatanggi pa ito sa pagpasok pero Ako pa ba ha? Ako si Alyana Monique Vera, at walang tumatanggi sa akin.

"Halika na dali, pasok na tayo upo ka na diyan." Tulak ko dito sa sofa

Dali dali akong pumunta nang kitchen para kumuha ng food at drinks namin. Kailangan niyang mag stay dito!

"Hala Miss.Angel, ayos ka na agad? Miracle!!" Ms.Angel? ha? Miracle? Shutay nakalimutan ko ang actingan 101 ko

"A-aray!" Arte kong sabi at hawak agad sa balakang ko. nako mahuhuli na ata ako!

"Ms.Angel, sumakit ba kasi naiingayan ka sa akin? I'm sorry!!!" mapapalaban ata ako dito ha?

"Ah eh hehe hindi ayos lang ako, tara miryenda tayo?"sabi ko sabay lapag ng muffins at orange juice

"Uwaaaah! Muffins! Angel ka nga angel! Ahuhuhuhuhu favourite ko po ito!" 'yung tataa? Bakit umiyak 'to? Sumasakit ang ulo ko.,.

"Hala good boy, bakit ka umiiyak ha?" pilit kong tinatago ang iritasyon ko dito. Nakakaloka na!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boy (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon