Chapter 5.

25 8 0
                                    


Why oh why

Simula nang bumalik si Lucien, mas lalo syang naging malapit sa akin.

Every morning when I wake up, sya lagi ang bubungad sa akin dala-dala ang mga pagkaing sya mismo ang nagluto. Twing gabi, sya rin ang nagluluto ng pagkain ko at sabay kaming kumakain. Minsan sa may tabing dagat, minsan sa resto at madalas ay sa tinutuluyan ko.

Simula nang sinabi nyang nagseselos sya, palagi nang may gumugulo sa utak ko. I know that he's a jerk, pero dahil sa pinapakita nya unti-unti akong lumalambot. My plan of making him fall for me is already ruined, cuz' I think, I am the one who's falling.

Sinasabayan ko na lang lahat ng nangyayari. Hinahayaan ko na lang syang gawin lahat ng gusto nya. Gusto kong malaman kung worth it ba ang nararamdaman ko para sa kanya.

"What are you thinking?" Lucien asked while we're watching a movie inside his room.

He invited me earlier to watch a movie. I said no, pero mapilit talaga sya. Besides, wala din naman akong gagawin kaya napapayag na rin ako.

"Wala naman." I said without looking at him.

Umayos sya ng pagkakaupo at ibinaling ang kanyang buong atensyon sa akin.

I looked at him. And we're now facing each others' face seriously.

"Are you confused?" hindi ako umimik. Tinitigan ko lang sya nang diretso sa kanyang mga mata.

Oh, yes! Sobra, Lucien. Everything about you was so confusing. Kung pwede ko lang sana sabihin sayo yan. Pero hindi, ayokong isipin mo na naaapektuhan ako masyado dahil sayo.

"I can see it through your eyes, baby. Alam na alam ko. Is it because of what i've said last time? Dahil ba sa sinabi kong nagseselos ako, hm?" sabay haplos nya sa aking pisngi.

Kahit ang kanyang haplos ay kakaiba. It bring so much different kind of electricity in me.

Nag-iwas ako ng tingin at inilayo ang aking mukha.

Tumawa ako ng mahina.

"What are you saying, Lucien? I know it's nothing, okay? You don't have to worry." sambit ko habang nagkukunwaring natatawa.

"Baby, look at me." nagulat ako sa kanyang ginawa.

He cupped my face. Nanlaki ang aking mga mata. Malapit ang kanyang mukha sa akin. Sobrang lapit.

Wala akong nagawa kundi sundin ang kanyang sinabi. Para akong isang robot na sumunod at naninigas sa aking kinauupuan.

"I mean it, Beige. Totoong nagseselos ako. Totoong hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman ko muli na may kasama kang iba."

"Kung ganoon, bakit? Bakit ka nagseselos, Lucien?"

"Because I like you, Beige. And I want to own you."

Walang umimik sa aming dalawa. Nanatili lang na nakapako ang aming mga mata sa isa't-isa.

Gusto din kita, Lucien. Pero nakakatakot mahulog sa isang katulad mo. Baka masaktan lang ulit ako.

Nag-iwas sya ng tingin at tsaka dahan dahang tumayo.

Ngumiti lang sya sa akin.

"I know you're still confused. Hindi ka pa handa. You're still moving on from your past. I can wait by the way." then he winked.

My ghad! This man. Why is he doing this to me. He's driving me crazy!

"Ihahatid na kita. Gabi na, kailangan mo nang magpahinga."

Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)Where stories live. Discover now