huli na ang lahat

80 3 1
                                    

Matapos ang apat na taon sa loob ng Philippine Military Academy, salamat at nakauwi na rin ako.. Worth it naman dahil maganda ang kinalabasan ng lahat ng aking pinaghirapan, naging Top 7 ako sa mga grumaduate sa batch namin. Kaya napakasaya ko.

Hayyy HOME SWEET HOME ~(^_^)~

Ngayon ko na ulit maipagpapatuloy ang pag gawa ng mga tula at pag susulat sa wattpad.

Pero hindi pa ito ang perfect timing dahil pagod pa ako at kailangan pa magpahinga at marami pang aasikasuhin at lalakarin. Higit sa lahat, namiss ko ang family ko kaya sa kanila muna oras ko hanggat hindi pa ako busy sa trabaho =)

Unti-unti ko ng natutupad mga pangarap ko. Pero kahit grabe at sobra ang saya dito sa aking puso tila ramdam ko parin na may puwang para sa kalungkutan. Hindi ko alam pero siguro, talagang may hinahanap parin ako na kukumpleto sa kasiyahan kong nadarama ngayon.

Ngayon din gabing ito, matapos ang handaan, kasiyahan at pagdiriwang ng aking graduation at habang mahimbing ng natutulog sila mama at mga kapatid ko – ito nanaman ako, nakatingala sa madilim na kalangitan at tanging ang mga bituin at bilugang buwan lamang ang nagsisilbing liwanag dito.

Kagaya ng dating gawi, kinakausap ko ang mga bituin. Pakiramdam ko kasi naiintindihan nila ako at tahimik lamang nakikinig sa aking mga sinasabi. Parang sila na nga ang diary ko. Ang roof top kasi ang favorite spot ko lalo na kapag malungkot ako o may problema o di kaya’y gusto kong umiyak.

“hayyy… Eric… kumusta ka na ba? Nasaan ka na kaya ngayon? Namimiss mo rin ba ako? Iniisip mo rin ba ako? Gaya ko bang nakatingin ka rin sa mga bituin? Mahal mo pa kaya ako? It’s been a year.. how I hope, how I wish.. sana wala ka pang asawa” =’((

Kinakausap ko nanaman ang mga bituin hanggang sa hindi ko na napigilang lumuha. Kasi kahit nasa loob ako ng Academy, puro aral at training, isa siya sa mga nagpapatatag sa akin para huwag sumuko at para ibigay ang best ko sa lahat ng aking ginagawa. At isa rin siya sa mga dahilan kung bakit excited akong grumaduate dahil alam kong matutuwa siya kapag nakikita niya akong unti-unti ko ng nakakamit ang aking mga pangarap.

Habang nagduduyan sa rooftop, I play a song on my laptop, five songs he wrote and recorded for me. Sa tuwing pinapakinggan ko iyon noon at hanggang ngayon, lalo lang akong naiinlove sa kaniya. First time kasi na may gumawa sa akin ng kanta- sariling kanta.

Sound trip + Facebook + Throwback =? Tinignan ko ang chat box namin noon. Tanda ko pa, ng dahil sa Facebook kaya kami nagkakilala. Naaalala ko pa ng bigla kang mag message sa akin, nagpapasalamat ka dahil inaccept ko ang friend request mo. Natural nag reply naman ako dahil hindi ako snob na tao pero namimili naman ako ng kinakausap o kinakaibigan. “walang anuman” sabi ko. At doon na nagsimula ang lahat. Mga ilang buwan din kaming nagkakachat- wala pang text dahil hindi naman kasi niya hinihingi number ko.

Sabi ko nga noon sa sarili ko, “aba matinde! Iba ito ah. Sa lahat ng mga nakakachat ko, namumukod tanging siya lang talaga ang hindi humingi ng number ko”. Sa history ng chat box namin, ni minsan hindi pa niya tinangkang hingin number ko kaya natuwa naman ako sa kaniya-iba kasi eh. Dahil sa chat unti-unti ng gumagaan loob namin sa isa’t-isa, kaya naging magkaibigan kami- I confirmed na “kaibigan ko tong taong ito”dahil bukod sa stars and moon, nagsisilbi narin siyang diary ko sa mga oras na iyon. Parang kuya, best friend, tropa etc., Kahit sa chat lang, parang napakalapit ko sa kaniya. Sa Malolos, Bulacan kasi siya nakatira at ako, sa Makati City, napakalayo.

Sa chat niya rin sinasabi sa akin ang mga problema niya. Napaka negative, walang pangarap sa buhay, mabisyo, tamad at naligaw ng landas – yan ang pagkakakilala ko sa kaniya at tingin ko sa kaniya noon. Kaya ako, iyon, ginagawa lahat para makapagbago lamang siya, Kung palasimba akong tao at lubos ang pananalig sa Diyos, siya itong kabaligtaran ng aking pagkatao. Negative + Positive = ?. Hindi ko sinasabing magbago siya, basta sa tuwing nagkakachat kami, ginagawa ko lahat tumatag loob niya, shini-share ko sa kaniya mga natutunan ko sa pagsisimba, sa mga Homily, some sorts of words of Wisdom at mga parangal or some advices na tinuturo o sinasabi sa akin ng aking mga butihing magulang. Basta kahit ano na alam kong makakatulong sa kaniya para bigyang halaga niya ang buhay niya, pilit niyang abutin mga pangarap niya, magtiwala sa sarili, mahalin ang sarili at pamilya bago ang iba at higit sa lahat.. magtiwala, manampalataya at magkaroon ng takot sa Diyos. Maganda na yung magbabago siya ng kusa, magbabago siya di dahil yun ang dapat o gusto ko, kundi dahil gusto niyang baguhin ang sarili niya. Basta ako, kahit na nakakaasar na siya, nababaliw at napakatigas ng ulo, hindi ako sumusuko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INCOMPLETE (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon