Chapter 2

6.5K 156 2
                                    

●●●

Astrid

Parang may malalaking tambol ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Oh Goddess help me! I don't want to die yet, kahit buong buhay ko ay puro paghihirap ang dinanas ko, kahit papaano ay kasama ko naman ang pamilya ko.

Mabilis akong tumakbo at nagtago sa pinakamalapit na punong nakita ko. Pinapanalangin ko na sapat na ito upang maikubli ako sa nagbabadyang panganib na parating. I saw a massive brownish wolf emerge from the bushes, it's canines showing in a snarling manner and its saliva dripping down its jaw.

I looked up this tree, masyado itong matarik at masukal para akyatin, I'm not a good tree climber by the way. I just tried really hard kaya nakaakyat ako sa unang puno. Baka bigla nalang akong mahulog and then boom patay! Kaya inalis ko na ang desisyong iyon sa isip ko.

It's like an untamed beast, that is looking for a prey to eat. And unfortunately that prey happened to be me.

Kahit na isa akong werewolf ay napakahina ko kumpara sa wolf na ito, kahit na mag transform ako at subukang labanan sya, malaki parin ang tsansang masaktan ako ng lubusan or worst is mamatay.

I was shaking in nervousness, dahil narin siguro sa lamig ng panahon, but I think it's the latter.

I'm seriously screwed, I need to do something before this mutt eats me!

Hawak ko ng mahigpit ang telang naglalaman ng mga tinapay, sana man lang ay magkaroon ako ng pagkakataon na maiabot to sa pamilya ko para makakain sila, bago ang nalalapit kong katapusan.

Pero hinde! I won't just die without a fight, hindi ako ganoon pinalaki ni mama, hinubog ako ng lahat ng kapagsubukang dinanas ko sa buhay ko para maging kung sino man ako ngayon. I may be poor but I'm not weak, or at least my spirit is strong.

Hindi ako basta basta mamamatay ng ganon-ganoon lang!

I saw it whipping it's head from different directions and it's sniffing---as if trying to smell something at the same time.

Malakas ang pandinig at pang-amoy ng mga werewolf, lalo na ng mga lalaking wolf, at ang mga nakatataas na ranggo ay higit na nakakaangat kesa sa mga normal na werewolf.

Ang pinakamataas ay ang Alpha, siya ang leader at namumuno sa pack, kanang kamay naman nito ang Beta, siya ang second in command ng Alpha. Pangatlo ay ang Delta, ito naman ang third in command ng Alpha kung sakaling may nangyaring masama sa Beta. At ang pinaka mababang uri ay ang Omega, sila ang nasa ilalim ng tatsulok, maliban pa sa mga alipin.

At itong wolf na nakikita ko ngayon---base sa kanyang itsura ay hindi pangkaraniwan.

I tried holding my breathe and tried to calm myself at the same time, dahil alam kong maging ang aking paghinga at tibok ng puso ay maaaring marinig kung ito ay sobrang bilis.

But I couldn't help it, kailangan kong huminga, so I let out a lod sigh withouth even realizing what I was doing.

It was a wrong move.

So freaking wrong. Sa mga pagkakataong ganito dapat ay masinsinan ko munang inisip ang mga hakbang na gagawin ko. How dumb can I be?

It whipped its head on my direction and I saw it sniff the direction I was in.

Nakita kong nanahimik muna ito at nakiramdam ng mabuti sa paligid.

Then it freakin growled and snarled.

That was time I knew I was seriously screwed.

It happened too freaking fast, one moment I was trembling because of nervousness behind a tree the next I was being pinned to it by a massive wolf.

I felt its saliva dripping on my cheek.

Its weight is crushing and suffocating me.

"L-let me go!" I weakly said.

I felt it trying to break into my mind.

Yes our kind communicate through our minds, and it's called 'MindLink'

And then it succeeded.

"How dare you go against the Alpha? I will bring you to him and you will suffer immensely before we kill you." Welp... not so nice are we? I merely stole some bread for the goddess' sake! And I had a good reason as well, sobra naman yata ang ipapataw nilang parusa sakin---nagnakaw lang ako ng tatlong pirasong tinapay!

Alam kong pagnanakaw parin iyon pero sobra naman ang kaparusang kamatayan.

Kaya bihira lang ang krimen dito sa pack namin, takot silang mangyari ito sa kanila. Ngunit dahil sa paghihirap, may iilang napipilitan gumawa ng ganito. Pero ang iba naman ay mas piniling mamatay nalang sa gutom kesa sa pahirapan pa sila ng sobra.

Kasalanan ito ng Alpha eh, kung sanang tinututukan nya ang pangangailangan ng lahat ng mamamayan sa pack ay walang mangyayaring ganito! Hindi na kailangang mapilitang magnakaw para may makain!

Matalino nga siya sa pakikidigma sa ibang pack pero wala siyang alam kung paano alagaan ang pinamumunuan nya.

"N-nagnakaw l-lang ako ng tinapay dahil gutom na ang pamilya k-ko, ginawa ko iyon hindi dahil sa gusto ko, ngunit dahil sa wala nakong ibang magawa!" Sinubukan kong magpumiglas. You're probably wondering kung bakit di ako nag-transform ng wolf form ko, nagbabakasali kasi ako na kung sasama ako ng tahimik at matiwasay ay bibigyan nila ako ng tsansang mabuhay.

But there is always the second choice, in where I will fight him to death. Think think! Sasama ka ba? O lalabanan mo sya kahit na sobrang liit ang tsansang manalo ka?

In that moment I wished I made better life decisions.

There's a big chance that I will be killed either way, so I don't think it really mattered.

And I finally decided.

I can feel its stinking breath fanning on my face. Damn this wolf needs some mint!

"I-I will come with you peacefully... J-just let me go." Nauutal kong sabi sa kanya.

It stopped snarling and growling.

"Do you promise you won't escape?" It skeptically asked.

"Y-yes." I said, finally admitting my defeat.

Lumayo sya ng konti at umatras ng ilang hakbang.

Nakita kong bumabalik na sya sa pagiging tao, ang dating matatalas nyang mga kuko ay napalitan ng katamtamang haba ng kuko. Ang medyo maitim nyang balahibo ay napalitan ng kayumanggi at medyo mabalahibong balat. Ang kanyang slitted na mata na kulay gold ay napalitan ng mga berdeng mata. Natural lang sa mga werewolf ang kaaya-ayang itsura kapag nasa human form sila kaya medyo sanay na ako.

Hindi ko na hinayaang mag-lakbay pa pailalim ang aking mga mata sapagkat wala itong saplot na suot. Agad akong umiwas ng tingin habang namumula ang aking pisngi.

"Come with me." Turan ng baritonong boses nito.

×××

♡♡♡

The Alpha's BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon