(Sanyel's P.O.V.)
Ang makita ang reaksyon ng mga importanteng tao sa akin na nadamay sa gulo na kagagawan ko mismo ay lalong nagpakirot sa puso ko.
MY Company... I'm sorry...
Napakislot muli ang puso ko nang magtama ang tingin namin ng mga magulang ko... Nasa VIP Seat sila sa gilid ng stage at isa iyong nakakailang na pagkakataon sa akin dahil tanaw na tanaw namin ang isa't isa.
"Huwag kang mag-alala Baby, ako ang bahala sa iyo, basta promise me na di ka magagalit kay Kuya ah," sabi ni Kuya, pinigil ko ang luha at napangiti nalang bago tumango
Umakyat na si A-Ches sa stage, pansin ang paghinga nya ng malalim bago inilabas sa screen ang aming presentation.
"This is an original concept of MY Company, all of it," may diin nyang pagkakasabi at pinakita ang mga larawan ng aming projects, ang mga dating naretrieve na files at ang mga bago. Napayuko ako nang makita ang reaksyon ng mga tao...
Nasa kalagitnaan sya ng pagpapaliwanag nang may sumabat na matandang lalaki mula sa gilid ng stage.
"I believe, some projects from your presentation is a stolen idea from us," sabi nito na nagdulot ng bulong bulungan sa paligid
"+@&GaB+&2 $U6@60!" Malakas na nagmura ni Sir. Min saka akmang susugod kaya pinigilan sya ni Sir. Kim
"Baby, saglit lang ha, hoy Jungkook, bantayan mo rin muna ito!" Sabi ni Kuya, napatango nalang kami dahil hindi namin alam ang gagawin, tumakbo si Kuya paalis at lumapit naman sa akin sila Sammy
"What's happening?" Tanong nila, napailing nalang ako dahil sa kawalan ng focus
"Dude, let her do what she can, control your temper, nagagalit din ako pero nagtitimpi pa ako, calm down," may kunot sa noong sabi ni Sir. Kim kay Sir. Min
"Wala akong pake! Kailanman hindi naging mali para sa akin ang pakikipaglaban para sa karapatan!" Matapang na sagot ni Sir. Min, nagsisimula nang magtaka kahit sila Yoseob
"Putakte, di ako naniniwala?" Rinig kong komento ni Joo Young, napatango naman si Ih Dae doon
Ibinalik ko nalang ang atensyon ko kay A-Ches na sobrang talim ng titig sa matandang lalaki.
Oh no... A-Ches, don't lose yourself now...
"What I believe... Is to stop this sudden commotion," isang boses ang kumalat sa kalawakan ng event
"Y-Yeah, I agree! Before we continue the hot issue, let us first calm down upon meeting a very important guess tonight!" Kinakabahang sabi ng MC
Hindi pa rin nawawala ang panlilisik ng mata ni A-Ches kaya tumakbo na ako palayo- palabas, para hanapin sana sila Cheon Sa pero hinabol agad ako ni Sammy.
"Saan ka pupunta hoy!" Nag-aalalang tanong nito
"Si A-Ches kasi, nanlilisik na yung mata baka-"
"Sanyel, kaya na ni A-Ches iyan, kalma ka lang rin muna ha," sabi nya kaya huminga nalang ako ng malalim
"Halika na, bumalik na tayo," aya nya, tumango nalang ako at sumunod sa kanya pabalik sa upuan namin sa harap
"THE NEW C.E.O. OF SUNNYTECH COMPANY!"
H-Huh?...
Natigil ako saglit at napatingin sa stage. Naninigurado kung tama ba ang narinig ko.
Mabilis na nawala ang atensyon ng mga tao sa issue at nalipat sa bagong C.E.O. ng SunnyTech.
Ang pinakakilalang kompanya sa buong mundo... Ang kompanya ng pamilya ko...
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...