AUTHOR's NOTE:
Okay. I never intented this Chapter. Napaka unpredictable ko lang talaga kaya nakasulat ako ng ganito. I know this chappie is kinda, ahm, boring. But If you will just read this carefully I know you'll gonna learn something. So, uhm.. just be with me guyz. haha
---> SKY nasa Picture sa gilid. :)
Chapter 5
This is so embarassing. Alam mo yung feeling na ginigisa ka sa mainit na mantika? Feeling ko ako yun ngayon eh. We're now having our semestral deliberation here at AVR 1 and everybody's here. Yeah, kahit na hindi kami bagsak.. LAHAT kami eh sumasalang sa ganitong process and it REALLY SUCKS! Buti nalang eh by partner ang pag question sa amin. Yung iba trio pa. Nakatayo kami ngayon ni Sky sa Stage at nasa dulo naman eh ang anim na panel list namin. Ang dalawa sa mga terror na Clinical Instructors namin plus the Dean of College of Health Sciences, plus the Ex-Dean... JESUS CHRIST! Buti nalang at meron akong kakampi yung dalawang C.I na kaclose ko. Habang nakatayo kami ngayon eh yung tuhod ko talagang LITERAL na nanginginig. Yung mga kamay ko na parang nilubog sa drum na puno ng Ice sa sobrang lamig. At yung lalamunan kong umi-experience ng El Nino, in short nanunuyo na. God! Im obviously nervous! Kaya po kasi ako masyadong kinakabahan kasi alam ko sa sarili kong hindi ako nakapag-aral masyado. Iniscan ko lang yung notes ko, I opened the book..yun lang. Pero yung todo-todo na study WALA! Alam nyo namang tamad ako eh. Tinignan ko si Sky, mukhang napaka kalmado nya. How can he manage to do that?! And why can't I??! This is so unfair! Siguro grabe yung pagstudy nya... Haist. Bahala na si Batman. Binalik ko ang tingin sa panel. Tutok na tutok ako sa Dean namin habang bumubunot sya ng Category na itatanong. Then from that category they will throw random questions at kelangan namin yung masagot. In short, the questions are anything under the sun! Alam nyo yun???! Basta ako isa lang ang alam ko, I'M SERIOUSLY DEAD!!!
"Okay, Good morning Ms. Reyes and Mr. Yap." bati ng Dean namin.
Waaaa. Ito naaaa. Magsisimula na ang kalbaryo.
Hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko sa microphone tsaka nag response, "Good morning Ma'am Sir.." with smile pa yan. Takte! Pinilit ko lahat ng facial nerves and muscles ko para lang mag smile. haha
"Good morning Sir." Sky.
"So, I guess hanggang sa gagraduate kayo, kayo parin ang mag partner ah?haha"
"Ah.. hehe. Siguro po?" I answered, ang awkward naman nun.
"I bet, partners na kayo for Life? Does is it mean we're going to expect a Highschool/College BFFs turned into lovers huh?", sabi ng Ex-Dean namin na C.I na rin namin ngayon.
"Why are they asking us that kinda questions? Its kinda weird and... awkward.", I whispered to Sky. Syempre binaba ko muna yung mic para di nila marinig.
Sky just looked at me then looked at the panel then, "If you don't mind, Can we just proceed to the question sir?"
O_o
Nanlaki ang mata kong tinignan si Sky, bakit nya sinabi yun? Di ba nya inisip na baka pag-initan kami ngayon kasi parang ang angas nyang makipag-usap sa panel? Langya! He's supposed to act a goodie-goodie student! GAWD!