Muli kong tinanaw ang pinakatuktok ng palapag ng matayog na establishmento."Bakit ba kasi kinausap niya kaagad ang babaeng yun? Pwede naman na mamaya na lang pagkatapos naming kumain?" tiningan ko ang relo ko. Twenty five minutes na hindi pa rin siya bumababa.
"Aba ang haba naman ata ng pinag.uusapan nila. Teka! Bakit ko ba kasi siya iniwan? Ang tanga ko naman!" nasapo ko ang noo ko. "Tiwala lang Lory. Tiwala lang. Mahal ka nun Lory." maghahanap na lang muna ako ng libangan. Alam ko na. Hinakbang ko ang mga paa ko habang nagsasalita.
"Isa, isang pato. Dalawa, dalawang aso. Tatlo, tatlong Ganso. Apat, apat na..." napatigil ako. Wala akong maisip. "Ah, Apat na espalto. Lima, limang....limang kalyo. Anim, anim na-...
"Anong ginagawa mo?"
"DEMONYO!" nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko.
"Grabe ka naman sakin."
"Jake? Anong ginagawa mo dito?"
"Wala. Nakikinig ako sa mga sinasabi mo. Pati ba naman kalyo dinamay mo." napangiti ako.
"Para akong may sira ang utak noh?"
"Oo. Magandang babae na may sira ang utak na kahit kailan hindi mapapasakin. Ang bilis naman kasi ni Xander. Naunahan pa tuloy ako sayo. Nasaan nga ba siya?"
"May kausap pa kaya nauna na ako dito."
"Ah. Let's have a drink? Wala pa naman si Xander. Text ko na lang siya kung saan tayo."
"Ha? Teka lang." may tumatawag kasi sakin. Tinalikuran ko siya at sinagot ko ito. "Blast napatawag ka?"
"Where are you? Tumawag nga pala sakin si Tito hindi ka daw nila macontact?" kinabahan ako sa sinabi niya. Baka napanood na ni Dad yung interview namin kanina.
Hindi ko pa nga pala napapaalam sa kanina na nagbago na naman ako ng number na binili ko last week dahil yung binili ni Xander binigay ko na kay Mike. Si Blast palang at Xander ang nakakaalam nitong number ko.
"Kasi nandito pa ako sa Company. Bakit daw?"
"Hindi ko alam. Tawagan mo na lang sila. Kanina pa daw sila tumatawag sayo." narinig ko na may tumawag kay Blast. "Sige Lory may shoot pa ako."
"Sige. Salamat Blast sa pagtawag." binaba na ni Blast ang tawag niya. "Patay ako nito." hindi na muna ako tatawag. Pupuntahan na lang namin sila. "Nasaan na ba kasi si Xander?" nakita ko si Xander na papunta samin. Nasaan kaya yung babaeng yun? Hindi ko siya makita. "Si Jake nga pala?" nakita ko si Jake na may kausap din sa phone niya. Ayoko sanang lumapit at balak ko lang sanang senyasan siya kaso nakatalikod siya. Magpapaalam na sana ako. Kailangan ko ng umuwi. Lumapit ako sa kinatatayuan niya.
"Okay. Okay. Don't do anything!..Dont go near-..." napatigil siya ng nakita niya ako sa likuran niya ng huamarap siya. I'll call you back. binaba niya ang phone niya at pinasok ito sa bulsa niya. "Kanina ka pa ba dyan?"
"Hindi. Pasensiya na. Magpapaalam na sana ako."
"Lory." tumayo sa tabi ko si Xander at inakbayan ako. Aba parang hindi niya ako binitiwan kanina ah! Pasalamat ka nandito si Jake. "Pare." nagkamayan ang dalawa at pinagdikit ang dibdib. Gesture na palaging ginagawa ng mga lalaki. Napatingin ako sa mukha niya. Pilit lang ang ngiti niya. Totoo ba ang nakikita ko? Ano kaya ang pinag.usapan nila ng babae kanina?
"Hanep pare ang mga sagot mo kanina sa interview ah. Mukhang pinaalam mo na sa buong mundo na sayo na si Lory."
"Gago! So alam mo na pare. Hang out tayo mamaya tawagan ko yung dalawa."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...