Amelia
"Miss Amelia, malapit na po tayong makarating sa mansyon ng mga Ventura." Ani Sara ang sumundo sa akin sa airport. Napatingin naman ako sa labas, matatayog na mga pine trees na lamang ang aking nakikita na nag-iindikitang malapit na nga kami sa mansyon.
Nang papahinto na ang aking sinasakyang kotse ay bigla nalamang bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Nang makarating na kami ay dali-daling bumaba si Sara para pagbuksan ako ng pintuan at mapayongan. Nandoon na din naghihintay sa labas ng mansyon ang butler na si Lino at dalawang kasambahay.
"Magandang hapon, Miss Amelia." Pagbati ni Lino.
"Magandang hapon din sa'yo, Lino. Kamusta ang pakiramdam ni Mama?" Tanong ko agad sa kanya.
"Kakainom niya lang ng gamot at nagpapahinga na. Tuwang-tuwa siya nung nalaman niya na darating ka ngayong hapon, Miss Amelia, ngunit ipinagbilin ng Doktor na huwag muna siyang gambalain habang siya ay nagpapahinga." Ika ni Lino.
"Ganun ba? How is her condition?" Hindi ko matago ang aking pag-aalala.
"Hindi ito naging partikular na masama, ngunit hindi rin ito naging maganda, Miss." Maging ang mukha ni Lino, na sumasagot ay puno din ng pag-aalala.
Araw iyon ng Sabado, naghahanda ako sa pagtatapos ko sa kolehiyo nang makatanggap ako ng isang tawag galing sa bahay ng mga Ventura. Si Madame Lalaine ay nawalan ng malay at bumagsak habang papunta sa kanyang meeting. Si Madame Lalaine ang tumulong at sumagip sa aking buhay at siya na rin ang tumayong magulang nung namatay sa aksidente ang aking tunay na mama at papa. What remained of my fortune was quickly taken away by a friend of my parents, ito ay kanegosyo nila at nung nalaman nito na wala na ang aking mga magulang ay bigla nalang din itong naglaho ng parang bula kasama ang perang inihabilin sa akin ng aking mga magulang. Ano pa ba ang kayang gawin ng batang Amelia? Ang tanging natira na lang sa akin ay ang mga utang na hindi ko kayang mabayaran.
Kung hindi lang sana ninakaw ang aking mana ay meron pa sigurong kamag-anak na magpapatuloy sa akin sa kanilang tahanan pero kahit niisa'y walang tumulong sa akin. I was left alone maliban sa isa, si Madame Lalaine. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na iyon.....
"Naaalala mo pa ba ako?" Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa aking harapan. Siya ang malapit na kaibigan ng mga magulang ko na may-ari ng pinakamalaking mansyon na nakita sa tanang-buhay ko. Parati pa ako doon naglalaro kapag dumadalaw sina Mama at Papa sa kanyang mansyon. Naalala ko rin ang batang lalaki na parating may masungit na tingin sa akin kapag ay naglalaro ako malapit sa hardin.
Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa aking mga mata. "Madame Lalaine?" Ika ko.
Napangiti naman siya ng banggitin ko ang kanyang pangalan. "Amelia, hija, gusto ko sanang imbitahin kita sa aking pamamahay." Kahit na sa sandaling iniabot niya ang kanyang tulong, magalang parin na humingi ng pahintulot si Madame Lalaine. Sa mga oras na iyon ay hindi ko mapigilang umiyak habang hinawakan ang kamay niya. Sana doon nalang natapos ang lahat pero hindi..
"Miss Amelia, ipapalipat ko na ang iyong mga bagahe sa iyong kwarto, gusto mo ba munang kumain?" Nagising ako mula sa aking pag-iisip nang tanongin iyon ni Lino. Siguro nga ay gutom na ako't hindi pa ako nakakain ng maayos simula umaga dahil sa aking pagmamadali. Nakangiting tumingin sa akin si Lino, alam na niya ang aking iniisip.
Paano kaya kapag hindi nangyari ang lahat ng iyon? Paano kung hindi ko inabot ang mga kamay ni Madame Lalaine? Tiyak na napakalungkot siguro ng aking buhay ngayon kaya nga ay hindi na ako nagdalawang isip pa't umuwi na agad dito sa mansyon.
"Mangyari po bang doon na ako maghintay sa library?" Tanong ko kay Lino. Come to think of it almost 6 years na din akong hindi nakapunta doon.
Napangiti naman si Lino sa pakiusap ko. "Oo naman, Miss Amelia, ipapahanda ko na rin ang iyong ligoan at para ay makaligo ka na agad pagkatapos kumain."
Nagpasalamat naman ako agad sa mabilis na konsiderasyon ni Lino. "Uh..., Lino, si..." Alanganin kong pagbigkas ng mga salita.
"Kung ang itatanong mo ay tungkol sa Señorito, wala siya sa mansyon ngayon, Miss. Tumawag siya kanina at pinapasabing hindi siya makakauwi ngayon gabi."
"Ah... pero hindi naman 'yan ang itatanong ko sana, Lino." Ika ko ngunit ay ngumiti nalang si Lino at inayos ang butones ng kanyang uniporme.
A sigh of relief flash through me, hindi ko alam ang gagawin ko kapag ay nauna siya dito buti nalang talaga ay marami siyang ginagawa. Pagkaalis ni Lino ay nagtungo na ako agad sa library, pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay naamoy ko agad ang mabangong amoy ng mga lumang libro na kinasasabikan ko ngunit ay nangingibabaw ang amoy ng bagong pitas na magnolia na nakasilid sa isang vase, ito ay nakapatong sa isang lamesa. Hula ko ay galing ito sa hardin na nasa likod ng mansyon.
As I stride slowly through the room, isang ngiti ang lumitaw sa aking mga labi, I traced every single thing I remembered in this room. Isang antigong bookcase na gawa sa itim na oak tree. Isang vase na may iniukit na querubin dito at maging ang espasyo sa sulok kung saan ako nagtatago at umiiyak kapag pinapagalitan ako ni Mama ay nandoon pa rin. Mabuti nalang ay walang pinagbago ang kuwartong ito.
Hinila ko ang isang upuan at umupo sa harapan ng fireplace. Sa tabi ng silya ay may nakapatong na kulay itim na kumot na para bang inihanda na ito para sa akin. Si Lino ba nag naghanda nito? Ibinuklat ko ito at tinakpan ang nanginginig kong katawan, talaga nga ay tag-ulan na dito.
Is she going to be okay? She had predicted herself to live for another forty years pero bigla nalang siyang nahimatay, it was essential to get a Doctor to see her kahit na ayaw niya.
Bigla nalang akong napahikab, ngayong nakaupo na ako ay lalo ko nang nararamdaman ang pananakit ng aking katawan. Kanina pa ako tumatakbo sa airport simulang madaling araw, I was slowly getting drowsy. Ang aking katawan na nabasa kanina ng ulan at nanginginig sa lamig ay nagsimula nang uminit dala sa mainit na buga ng fireplace. Nagsimula nang tumango ang aking ulo at napapikit na ang aking mga mata.
I cant fall asleep now. Even thinking like that, it was difficult for me to bear the weight of my eyelids. Naalala ko ang sinabi ni Lino kanina.
Bukas pa makakauwi ang Señorito.
Mula bukas ng gabi, kailangan kong magpalipas ng oras sa aking kuwarto maliban nalang sa oras ng pakikipagkita kay Madame Lalaine. Hindi ako iimik o gagawa ng hindi magugustohan ng aking asawa.
Asawa ko...
...Oo nga pala he is my husband.
BINABASA MO ANG
An Inconvenient Attachment
Romance"Amelia." Bigkas niya sa aking pangalan. "Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito." Dagdag niya pa. Matagal niya akong hindi binitawan mula sa kanyang mga bisig. Ang malambot na pagdampi ng aking katawan sa kanyang dibdib at ang pagsabay na p...