" WAVE OF LOVE "
STORY BY QUILLE
.
Chapter 5
Labis-labis na ang pagmamagandang loob na iniuukol ni Daniel sa dalaga kahit hindi niya ito lubos na kilala.
Pagdating nila sa bahay ay agad silang sinalubong ng dalawa. " Ano ang nangyari sa kanya sir? Saan nyo siya natangpuan sir Daniel?" sunod-sunod na tanong ni Marie na masyadong nag-alala sa pamangkin.
" Ate Marie, paki-bihisan po siya agad, at nilalamig na ito dahil basing-basa ang damit niya." alalang alala wika ni Daniel..
Agad naman ito binihiisan ni Marie at pinainum na rin ng gamot dahil naramdaman nitong may lagnat ang pamangkin..
Makalipas ng isang oras ay lumabas si Marie sa silid ng pamangkin.
' Pasensya ka sa pamangkin ko ha" aniya.
"Maraming salamat sa pagkahanap at paghatid mo dito sa pamangkin ko."
" Walang anuman po iyon…, kumusta na po ang kalagayan niya ate Marie?"
" Ayun… nakatulog na siya."
" Wag nyo po sana mamasamahin... pero sa tingin ko po…kailangan ninyong
bantayan ang inyong pamangkin.”
“ Nasaan po ba ang mga magulang niya." tanong niya kay Marie.
" 8 taong gulang palang si Christine ng maghiwalay ang kanyang mga
magulang….ang alam ko ay nag abroad ang kanyang ina at hangang ngayon ay wala pa kaming balita sa kanya.
" Dito rin po ba nakatira ang kanyang ama?"
" Hindi sir, sa manila sila nakatira.at may ibang pamilya na ang kanyang ama. Nag-asawa ito ng iba at hindi na muli pang bumalik sa kanila ng kanyang ina…
hindi matanggap ni Christine ang ginawang ito ng kanyang Papa. Madalas daw sila nag-aaway doon sa maynila kaya nagpasya na lang siya na umuwi dito para magbakasyon.
" Ganun po ba…Oh paano po…. magpapaalam na po muna ako…medyo malalim napo ang gabi…kailangan ko rin po magpahinga. Kayo na po bahala kay Christine." Bilin ni Daniel.
" Sige sir, ako na ang bahalang magsabi sa kanya na umuwi ka na." mabilis niyang sagot.
Nag makalabas siya sa bahay ay muli itong nangpasalamat sa kanya.
" Wala po iyon, ang importante po ay walang masamang nangyari sa kanya." bukal sa kaloobang sagot niya rito bago siya tuluyan umalis.
Pagkarating nito sa kanilang bahay-bakasyunan….
" Mang berto, bumili ka nga po ng alak," utos nito sa katiwala.
" Naku, sir kabilin-bilinan sa akin ang iyong mama na huwag ko daw kayo
hainan ng alak… makinig nalang po kayo sa inyong mama."
" Last na ito…kaya pleaase mang berto, bilhan mo na ako,"
" Naku, magagalit na sa akin si madam kapag sinunud ko ang utos ninyo sir,"
" Eh di huwag ninyo sasabihin sa kanya. wala naman siya dito eh,. hindi ho ako
makakatulog kapag hindi ako nakainum…. hindi naman po ako magpapakalasing eh." Paliwanag ng binata.
Labag man sa kalooban, sinunod na lamang ni Mang Berto ang ipinag-uutos ni Daniel. Agad itong pumunta sa pinakamalapit na tindahan at bumili ng isang boteng alak.
Habang uminum ng alak….walang ibang naglaro sa isip nito kundi ang kasintahang si Janice..
" Honey…bumalik ka na sa akin… hangang kailan mo ba ako pahihirapan…. mahal na mahal kita…." hindi mapigilan ang pag-agos ng mga luha iniisip nito ang kasintahan na nag-iwan sa kanya na magpahanggang sa sandaling iyon ay hindi nya pa alam ang dahilan kung bakit iyon ginawa sa kanya.
KINABUKASAN ay maaga nagising si Daniel, at pagkatapos niyan mag almusal ay maisipan nitong dalawin si Christine sa kanilang bahay.
" Magandang umaga po Ate marie," magalang na pagbati niya sa tiyahin ng babae.
" Maganda umaga rin sayo sir…napasyal ka?" tanong nito sa kanya.
" W ala ho akong magawa sa bahay eh, aalamiin ko lang po kung okey na po ba ang pakiramdam ni Christine.
" okey na siya sir, nasa taas at naliligo,"
" Ganoon ba bakit po ate Marie may lakad ba siya?"
" Wala naman sir…, sandali lang po at titingnan ko kung tapos na."
" Sige po ate Marie, Salamat...."
Nang malaman ng dalaga naroroon ang binata ay agad ito nagbihis at nagpaganda ito…nagsuot ito ng shorts at white blouse na sleeveless.
Sinuklay ang mahabang bahok, naglagay ng konting powder at lipstick sa kanyang labi…presentableng-presentable ang itsura ng bumaba ito para harapin ang bisita
.
" Ngayon ko lang nalaman na maganda ka pala…." Pabirong wika ni Daniel.
" Sus nambola ka pa. ahmm...salamat.." nahihiyang sagot ni Christine.
" Siyanga pala…may pasalubong pala ako sa iyo." aniya bago nito inabot ang
dalang Chocolate.
" salamat, nag abala ka pa," ang tanging nasabi ng dalaga.
" Christine, gusto sana kitang maging kaibigang at sana wag mo masamahin ang pagdalaw ko sayo dito."
" Wala naman masama sa pagdalaw ng isang kaibigan. at nagpapasalamat pala ako sayo sa kabutihan mo... at pagligtas mo sa akin kagabi."
" Wala iyon, gusto mo pasyal tayo sa dalampasigan?" aya niya sa dalaga.
" Sige, gusto ko rin pumunta doon." Mabilis na sagot ng dalaga
Mabilis na nakagaangan ng loob ng binata si Christine. Pagdating nila sa dalampasigan ay naupo sila sa may batuhan kung saan doon niya natagpuan ng dalaga.
" Pasensya na ha, gusto ko lang may kausap." wika nito.
Tanging sa mga sandaling iyon…ang nais ni Daniel ay may makausap at mapagtuunan ng atensyon..marahil para na rin makalimut pansamantala sa kalungkutan ng pangungulila nito sa minamahal na kasintahan.
" Ano pag-uusapan natin?" tanong ng dalaga sa kanya bago ito tingnan
.
" Kahit na ano, Ikaw? bakit dito mo naisipan magbakasyon dito at bakit nag iisa ka? nasaan ang boyfriend mo?" sunod sunod ng tanong nito. at para bang gustong malaman ang talambuhay ng dalaga.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Wave Of Love
Romance" WAVE OF LOVE " Written By Quille Teaser NEW STORY Kabiguan ang naghatid kay Daniel sa beach house nila sa Cebu. Habang nagmumuni-muni sa may dalampasigan, natanaw niya sa di kalayuan ang isang babaeng waring may tinatawag sa may malalim na bahagi...