martyr

0 0 0
                                    

Hi! Naaalala mo pa ba ako? Ako nga pala yung babaeng ginawa ang lahat pero sa huli, wala pa ring natanggap hahahaha tangina mo.

Ako nga pala yung babaeng ginawa lahat para sayo, pero sa huli, kulang pa rin pala. Ang tanga ko.

Tiniis ko lahat ng mga masasakit na salitang binitawan mo. Bakit? Mahal kita eh, mahal kita kaya tinanggap ko lahat. Ang tanga ko no?

Lagi na lang ikaw ang tama, ako mali. Bakit? Tanga ako eh, tanga ako pagdating sayo.

Sa bawat desisyon na gagawin, ikaw lagi ang una kong iniisip. Bakit? Mahal kita eh.

Ayaw kitang masaktan kaya handa ako maging tanga para sayo. Dahil sa sobrang katangahan ko, hindi ko namalayan unti unti na pala akong nawawala sa ika nga, "tuwid na daan".

Handa akong gawin ang lahat para sa'yo, ngunit wala pa ako sa sukdulan, sumuko ka na agad.

Bakit? Anong problema?

Nagsawa ka na sa akin? napagtanto mo na, "tangina ang pangit naman pala neto bat ko ba 'to jinowa".

Inaano ba kita?

Sabihin mo saakin kung ano yung nagawa ko. O kung ano man yung hindi ko nagawa para iwan mo ako.

Nagmamakaawa na ako hahaha, ang cheap ba? Pasensya ha? Mahal na mahal kita eh.

Ano ba ang dapat kong gawin para bumalik ka saakin?

Mag-aaral akong mabuti, magpapa facial na rin ako para matanggal tong mga tigyawat ko, papalitan ko na rin ng kojic yung gamit kong sabon, baka kasi pag kuminis ako, kaya mo na akong mahalin.

Baka pag maganda na ako, hindi ka na magsawa saakin.

Baka pag maganda na ako, hindi mo na kailangan maghanap ng iba.

At kung baka sakaling maganda na ako, mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo.

Baka sakaling maappreciate mo rin ako.

Patuloy akong aasa at magbabaka sakali.

Bakit? Mahal kita eh, handa akong gawin ang lahat para sa'yo.

pero,
nakakapagod din pala ano?

Kahit pala "strong at independent woman" napapagod din.

Tao din pala ako 'no?

Akala ko kasi bakal na ako simula nung makilala kita.

Matibay, matigas, malamig na bakal.

Kaso, alam mo? along the way, napagtanto ko na hindi pala, tao pala ako na nakakaramdam din ng sakit at lungkot.

Isang tao na maraming hinanakit sa mundo.

Isang tao na naghahanap ng taong magmamahal sa kanya.

Isang normal na tao.

YWhere stories live. Discover now