Namimiss ko na yung dating tayo.
Yung dating tayo na walang pakialam sa mundo.
Yung dalawang magkaibigan na nag aasaran, naghaharutan, nagkkwentuhan, yung gawain ng dalawang normal na magkaibigan.
Pero ang tanga ko eh, kasi nagising na lang ako isang araw, napagtanto ko na, gusto na pala kita.
Gusto kita higit pa bilang isang kaibigan.
Isang araw napagtanto ko na,hinahanap hanap ko ang presensya mo, ang kakulitan mo.
Gusto ko ako lang, pero hindi ppwede kasi magkaibigan tayo, magkaibigan LANG tayo.
May mga bagay na nagbago;
hindi na kita matignan sa mata nang matagal, hindi na kita kayang kausapin nang hindi nauutal, nahihiya na ako pag nariyan ka, pinag iisipan ko munang mabuti ang isang kilos kung gagawin ko ba talaga kasi baka maturn-off ka.
Alam mo 'yon? Mga bagay na wala naman akong pakialam dati. Pero bakit ngayon, meron na? Tangina, nakakairita.Minsan nararamdaman ko na tinititigan mo ako.
Ako nga ba? O yung katabi ko?Minsan napapatanong na lang ako sa mga bituin kung iniisip mo rin kaya ako, kung namimiss mo rin ba ako.
Pero naisip ko rin, sino ba naman ako? Isa lang naman ako sa milyong milyong babae sa mundo. Isang ordinaryong babae. So, bakit mo ako iisipin diba? Sino ba ako? Sino nga ba ako? Isang walang kwentang nilalang na walang ginawa kundi manakit ng iba.