Dali-dali akong lumabas ng classroom para sundan si mylabs. Narinig ko kasi kanina na nakapili na daw sya ng club na sasalihan nya. Anong club kaya 'yun? Sports club? 'Wag naman sana. Dance club? Malabo hindi naman sya sumasayaw eh. Drama club? Ano ba Corine! Shunga lang? Hindi na 'yun babalik dun dahil sa ginawa mo! Hmmm. Music club kaya? Ay! Pwede! Kumakanta kasi sya tas kumakanta 'din ako! Kasing galing ko nga 'yung idol ko na si Anne Curtis! 'Yung mga kulot at birit? Sisiw lang 'yan sa'kin!
Nagtago ako dun sa malaking poste nung lumingon sya. Wheew! Muntik na. Sumilip ako at nakita kong pumasok sya sa isang class room. Sinigurado kong nakapasok na sya bago ako lumapit dun. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto pero wala akong marinig. Bakit ba ang kapal ng pintong 'to?
Huminga ako ng malalim "Whooo. Kaya mo 'to Corine! Para sa wedding of the century! Hwaiting!"
Lakas-loob kong binuksan ang pintuan sabay sigaw ng "Ikinararangal ko pong maging parte ng club na 'to"
Napatigil silang lahat at napalingon sa'kin. Parang tinubuan ako ng ugat at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pwede bang lamunin na 'ko ng lupa? As in ngayon na? Teka? Kumakain ba ang lupa? Shunga lang? 'Di ba wala namang bibig 'yun? Kaya pano ako kakainin ng lupa?
"Miss?" napakurap ako.
"Y-Yes po?" napalunok ako ng ilang beses. Pinagpapawisan din ako ng malamig.
"You want to join the Academic Club?" napanganga naman ako. A-Academic Club?! Nilingon ko ang pintuan ng classroom at nakita kong may nakadikit dun na 'Academic Club'.
Bakit ba kasi hindi ko muna binasa 'yung nakasulat dun? Eh dapat kasi sinabi agad ni Warren na sa Academic Club sya! Nakakainis naman eh!
Inayos ko ang sarili ko. Tumayo ako ng tuwid at taas-noong tumingin sa professor na kausap ko. Sinulyapan ko si Warren na nakaupo sa likuran. Inirapan nya ako bago ilipat ang tingin nya sa librong hawak nya. Pinaningkitan ko sya. Hindi ako magpapatalo. Makikita mo mylabs!
"Yes Miss! Me will joining your club" taas noong sambit ko.
Oh 'di ba? Galing kong mag-english! Pati 'yung mga estudyante dito sa loob ng classroom nagtawanan. Natuwa siguro sila sa sagot kong pang-Miss Universal! Oh my ghad me is so intelligence tologo!
"Oh alright hehe" 'di ba? Pati 'tong si Prof eh bumilib sa'kin. Ang nice nice tologo! Beauty and breyns talaga ako!
"Pwede na pong maupo?" tanong ko kasi nangangalay na 'ko. Bastos din kasi 'tong prof na 'to 'di marunong magpaupo.
"Ahh. O-Oo" inilibot ko ang paningin ko at ewan ko ba pinaglalapit yata kami ni Destiny eh. Sa tabi na lang kasi ni mylabs may bakante. Hohoho gondo ko tologo!
-----
(To be continue…)
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
JugendliteraturAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.