Ika-pitong Pasada

126 6 0
                                    

Ang pogi talaga ng mylabs ko! Ganda ng lahi eh. Kapag tumatakbo sya para syang 'yung si Kaide Rukawa ng Slumdunk. Ang pogi na ang galing-galing pa tapos ang talino pa nya. Perfect!

No wonder kung bakit tinamaan ang dyosang nilalang na 'to sa kakisigan ng nilalang na 'yun. Tinamaan ako sa kanya. Tagos sa heart hanggang esopagus at pancreas.

"Go Warren!" halos mapatid 'yung litid ko sa pagsigaw. Sinigurado kong malakas 'yung sigaw ko para marinig ni mylabs. 'Yung ibang team mates nga ni mylabs sinesenyasan ako na lakasan ko daw tapos nag-thumbs up pa sa'kin habang tumatawa si Rio, best friend ni mylabs kaya naman pinagbubuti ko ang pagchicheer may dala pa akong pompoms tapos 'yung damit ko pa may mukha ni mylabs. Pina-personalization ko pa dun sa patatakan sa kanto malapit sa'min.

May practice game sila ngayon laban dun sa mga players ng kabilang University na champion nung nakaraang taon sa Sports meet pero kahit champion sila eh alam ko namang matatalo sila ng mga players namin. Syempre dahil 'yun kay mylabs! Sya ang pag-asa ng buong team! MVP kaya ang mylabs kong 'yun.

Nung naka-three points shot ang mylabs ko nagtatalon ako dahil sa tuwa "Wawawawawawarren~" kanta ko habang sumasayaw pa. Whooo! Galing-galing talaga! "Go Warren mylabs!" napatigil ako sa pagchicheer nang marinig ko ang bulungan ng mga babaeng nasa tabi ko.

"Nakakahiya sya. Talagang ipinagsisigawan pa nyang gusto nya si Warren eh we all know that he's not" bulong nung mukhang bisugo. Teka bulong pa ba 'yun eh narinig ko?

"Kaye enough" sabi nung maganda. Oo maganda! Pero maganda lang sya at MAS maganda naman ako.

"Why? I'm just saying the truth. Talagang ipinagsisigawan pa nyang gusto nya si Warren kahit wala naman syang pake sa kanya" naningkit ang mata ko. Humarap ako sa kanya at pinamewangan sya.

"Hoy Bisugo! Ano bang problema mo ha?" taas-kilay kong tanong dun sa bisugong nilalang. Tumayo sya at hinarap ako.

"W-What did you call me?" shunga lang ate? Eh ang lakas na nga nung pagkakasabi ko eh. Tumawa pa nga 'yung mga lalaki sa likuran nya. Hindi ko alam na bingi din pala 'tong bisugong ito.

"BI-SU-GO!" sinigurado kong mas malakas ang pagkakasabi ko kesa kanina para marinig nya.

"WHAT?!" aba't! Shunga talaga! Bigla nya akong sinugod tapos sinabunutan at hindi ako papatalo sinabunutan ko din sya.

Madaming umawat sa'min pati na din 'yung ilang players. Nung mapaghiwalay kami nakita ko si mylabs na masama ang tingin sa'kin.

"Nakakahiya ka alam mo ba 'yun?! Can you please stop pestering me?! You numb lady!" dahil matalino akong tao naintindihan ko ang sinabi nya.

Ano bang ginawa ko at galit na galit si mylabs sa'kin? Ako na nga 'yung inagrabyado dito eh! Lumaban lang ako! Ano bang mali dun?

"S-Sorry..." sambit ko habang nakatingin sa mga mata ni Warren kasabay ng pagpatak ng luha ko. Pagkatapos nun ay tumalikod ako at lumabas ng gym.

Pasensya na.

-----
(To be continue…)

My Jeepney Love StoryWhere stories live. Discover now