Hindi ko alam kung anong ginawa ko para magalit sya ng ganun sa'kin. Masama bang lumaban? Nakakahiya? Sinasabi ko lang naman 'yung feelings ko eh kaya bakit naman ako mahihiya?
Paulit-ulit kong pinunasan ang luha at sipon kong naghalo na. Parang hindi ako makahinga. Mamamatay na ba ako? Hindi pwede! Paano na ang wedding of the century? Paano na matutuloy yun kung mamamatay ako? Hindi pwe---!
Natigil ang pag-iisip ko nang may kamay na naglahad ng panyo sa harapan ko. Inangat ko ang tingin ko para makita kung sino 'yun. Kumunot ang noo ko kasi 'di ko naman sya kilala. Napatingin ako sa jersey na suot nya. Taga-kabilang University pala sya.
"Here" kinuha ko 'yung panyo inabot nya kasi eh alangan namang titigan ko lang ano 'yun bastusan lang? Pagkakuha ko ay agad kong pinunasan ang luha ko pagkatapos ay suminga na din ako.
"Salamat" sabi ko sabay abot sa panyong ipinahiram nya sa'kin.
"A-Ah. I-It's okay you can keep that" nakangiting sambit nya.
Kumunot naman ang noo ko "O-Okay" mayaman siguro 'to? Namimigay ng panyo. Ano pa kaya ang kaya nyang ibigay? Pagmamahal kaya? Kaya nya kaya 'yun ibigay?
"Okay ka lang?" tanong nya at umupo sya ng tulad sa'kin. 'Yung upong parang tumatae? Ganun. Tapos nasa harap ko sya.
"Shunga lang? Kita mong umiiyak 'yung tao tapos tatanungin mo kung okay lang malamang hindi!" hindi ko napigilan ang sarili ko na irapan sya. Itong taong 'to tanga din talaga eh.
"O-Oh. O-Oo nga naman. I'm sorry for that"
Nabalutan kami ng katahimikan nang maramdaman ko ang hinlalaki nya sa pisngi ko at parang may pinunasan sya dun.
"Sayang naman ang ganda ng mata mo kung palagi mong iiyakan ang maling tao" napatitig ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Bakit ba ang hilig magpaiyak ng babae nyang Warren na 'yan?" nagpanting ang tenga ko. Tumayo ako at inis na tiningnan sya. Tumayo din naman sya.
"Ano bang alam mo ha? Anong karapatan mong akusahan ang mylabs ko? Sino ka ba ha?"
"Anong alam ko?" tumawa sya ng mahina "Ano nga bang alam ko?" aba't! May sayad din yata 'tong isang 'to eh! Kasali din ba sya sa Academic club sa school nila? Nakakaawa naman pala sya kung ganun. Tumingin sya sa'kin. 'Yung seryosong tingin.
"Hindi pa ba sapat na umiiyak ka ngayon para masabing mahilig magpa-iyak ng babae 'yang si Warren?" natahimik ako. Bakit feeling ko totoo 'yung sinasabi nya? Teka? Ano ka ba Corine? Hindi ganun si mylabs at alam mo 'yan Corine!
"Tumigil ka na nga! Iimbitahan pa naman sana kita sa wedding of the century kaso nilait mo 'yung groom!"
"Wedding of the century?" tanong nya.
"Oo. Wedding of the century. Kasal namin ng mylabs kong si Warren" taas noong sambit ko. Proud ako eh bakit ba?
"Kasal? Bakit kayo ba?" tinaasan ko sya ng kilay.
"Hindi pa. Magiging kami din balang araw" napasimangot ako nang tawanan nya ako.
"You're so funny" hala? Nag-joke ba 'ko? Pandale.
-----
A/N: Balang-araw... Hakhak~
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.