Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Kitang-kita ko pa 'yung dalawang butiking naglalampungan kaya ayun binato ko ng unan tapos tumakbo sila sa kung saan. Hayyy.
"Nakakahiya ka alam mo ba 'yun?! Can you please stop pestering me?! You numb lady!"
Gumulong ako sa kama ko. Hindi ko alam kung anong nakakahiya dun sa ginawa ko. Alin ba dun 'yung nakakahiya? 'Yung napaaway ako? 'Yung napahiya sya? O 'yung paulit-ulit kong ipinagsisigawan na mahal ko sya? Hayyy. Hindi ko alam.
Kapag ba mahal mo ang isang tao dapat ikahiya mo? I mean itago mo 'yung nararamdaman mo? Bumangon ako at tumakbo papunta sa kwarto ni Kuya. Naglalaro na naman sya ng DOTA.
"Kuya!" tawag ko sa kanya.
"Bakit?" tanong nya habang hindi inaalis ang tingin sa monitor ng computer.
"Kuya ano ba 'yung love at first sight?" napatigil naman sya sa paglalaro at nilingon ako.
"Ha?" napairap ako. Itong si Kuya matalinong tao pero bingi naman.
"Sabi ko ano ba 'yung love at first sight?" ulit ko pero tinawanan naman nya 'ko.
"Naka-drugs ka ba?" tanong nya habang humahagalpak ng tawa. Napanguso naman ako. Ano bang nakakatawa dun sa sinabi ko? Tsaka 'di naman ako adik 'noh! 'Ni hindi pa nga ako nakakakita ng drugs eh.
"Kuya!" saway ko sa kanya.
Unti-unti naman syang tumigil sa pagtawa at tumikhim muna bago magsalita "Ang love at first sight ay 'yung kakaibang feeling na naramdaman mo nang makita mo ang isang tao sa unang pagkakataon. 'Yung feeling na parang may bigla kang naramdaman na kung ano sa tyan mo" ha?
"Eh Kuya hindi naman ako natatae nung unang beses kong nakita si Warren eh"
"Hindi ganun ano ka ba?! What I mean is 'yung parang butterfly in my stomach 'yun parang ganun" nagtaka naman ako.
"Eh kuya hindi naman ako kumakain ng butterfly eh kaya paano ko mararamdaman 'yung sinasabi mo?" napahilamos sa mukha nya si Kuya tapos ginulo nya pa 'yung buhok nya. May kuto yata sya eh.
"Alam mo nagtataka pa din ako hanggang ngayon kung bakit nakatuntong ka ng college. Simpleng idiomatic expression lang hindi mo pa alam"
"Kuya tinutuntungan ba ang college?" pinamewangan ko sya "Tsaka Kuya 'wag mo 'kong minumura ha? Kundi isusumbong kita kay mama" kumunot naman ang noo nya.
"Huh? At kailan kita minura ha?" takang tanong naman nya sa'kin. Itong si Kuya hindi lang bingi eh ulyanin din! Kasasabi lang nya eh. Ano Kuya Shunga lang?
"Kasasabi mo lang kaya! Sabi mo idiomatic expression"
"Ewan ko sa'yo! Lumabas ka na nga!" sigaw nya sabay bato sa'kin ng ballpen na agad ko namang nailagan pagkatapos ay tumakbo ako palabas.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad ko itong isinara. Bumalik sa isip ko 'yung sinabi sa'kin ni Kuya.
" Ang love at first sight ay 'yung kakaibang feeling na naramdaman mo nang makita mo ang isang tao sa unang pagkakataon. 'Yung feeling na parang may bigla kang naramdaman na kung ano sa tyan mo" napahawak ako sa tyan ko at inalala ang naramdaman ko nung una kong makita si Warren.
-----
A/N: Love at first sight huh?
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.