10. The Demon

22 6 7
                                    

Dedicated To:
My Birthday Girl
Chaylen
And To My Baby Girl
Gem
Saranghaeyo!

Kennedy

Hinihingal akong napaupo sa isang gilid. Nanakit na din ang ulo ko, pero hindi ako titigil hanggat hindi ko sya nakikita.

"A-azul" tawag kong muli pero wala pa ring sagot akong naririnig sa kanya.

Kanina pa ako paikot-ikot pero kahit saan walang bakas ng kahit ano na sya. Nakakaramdam ako ng pagod pero hindi ako maaring sumuko. Hindi.

"N-nasan kana ba?" tanong kong muli. Pero katulad kanina, wala akong natanggap na sagot.

"Hindi mo mahahanap ang isang taong ayaw magpakita, Kennedy"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang tinig na iyon. Pero wala akong nakitang ni isang anino nito.

"S-sino ka?! Nasan ka?!"

"Hindi ka nababagay sa kanyang mundo pero bakit mo ba palaging ipinagsisiksikan ang sarili mo? Isa kang taong walang kwenta at walang magagawa para sa isang tulad nyang isinumpa!" anas nya. "Sinabihan na kitang bumalik kana sa iyong mundo, pero masyadong makitid ang utak mo at ayaw mong sumunod" sa sobrang galit na nararamdaman ko, naikuyom ko ang aking kamao at alam kong nagliliyab na sa galit ang mata ko.

"Hindi mo makikita ang babaeng hinahanap mo gayong kahit sya ay hindi matanggap ang nangyayari sa kanya." Nagulat ako ng bigla itong magpakita sa aking harapan. Nakakapangilabot ang itsura nito, para syang demonyo! Higit pa sa demonyo.

Matangkad, may kung anong itim na usok ang pumapalibot sa kanya. Itim ang mata, matutulis at mahahaba ang kuko na tila ba isang kalmot lang sayo, ikakamatay mo na. Mahahaba ang kanyang pangil at katakot takot talaga ang kanyang tindig.

Kahit nanginginig na ako sa takot at sunod-sunod na ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pinilit ko pa ring tumayo at harapin ang kung sino mang ito.

"S-sino ka?!" galit na tanong ko. Subalit imbes na sagutin ako nito ay katakot takot na pagngisi ang aking nakita.

"Gusto mong malaman kung sino ako?" nakakatakot na boses ang pumalibot sa akin. "Ako lang naman ang kamatayan mo!" at bigla nalang akong tumilapon kung saan.

'Kingama!' napaubo ako sa sakit na iyon. At laking gulat ko ng may dugong kasama iyon! Hindi ako katulad nilang nilalang, wala akong lakas na tulad ng meron sya!

"Binalaan kana pero hindi ka nakinig bagkus mas pinili mong manatili sa tabi nya, hindi ko alam na mahirap palang pakiusap ang isang taong kagaya mo. Edi sana, umpisa palang kinitilan na kita ng buhay!" mariin niyang sabi. "Pero nakapanghihinayang naman kung kaagad kitang papayatin, maglalaro na muna tayo. Tagu-taguan, at kapag nakita kita. Wala ka ng kawala pa!" dumagundong ang napakalakas niyang sigaw, nagsitaasan ang balahibo ko dahil doon.

'Hindi ka pwedeng tumanganga dito Kennedy! Finde her! Hanapin mo si Azul!' naiiling na sabi ko sa aking sarili.

Pero hahakbang palang ako nanghihina na ang tuhod ko. Nauubusan na ako ng lakas at unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko.

Narinig ko ang nakakatakot niyang pagtawa. "Hanggang dito nalang ba ang kaya mo? Hanggang dito nalang ba ang taong iniibig ni Azul? Nakapanghihinayang." at bigla niya akong tinadyakan sa tiyan. "Masyado kang mahina para sa isang babaeng katulad nya, walang kwenta!"

"A-ano bang ginawa ko sayo ha!?" inis na tanong ko. "Bakit g-ganyan nalang ang galit mo sa tulad ko?! At anong kasalanan sayo ni Azul para pahirapan sya!?"

Natawa naman ito. "Wala kang karapatang magtanong!" asik nya at naniningkit ang matang tinignan ako. "Tumayo ka at hanapin sya, tignan lang natin kung mahahanap mo sya. Dahil kapag hindi, ayun na ang katapusan mo." at bigla na lamang syang naglaho sa harapan ko.

'Sino ba sya? Anong papel nya sa buhay ni Azul at buhay ko?'

Napadaing ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Para akong nilatigo ng ilang beses, at ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

"I'll be back soon, just wait for me. Kennedy, wait for me."

Napailing ako ng marinig kong muli ang sinabing iyon ni Azul. Kailan ba sya babalik? Bakit kasi iniwan nya ako? Bakit di nya ako hinayaang samahan sya?

Para akong batang pinagdamutan ng karapatan. Pakiramdam ko kasi talagang sampid lang ako sa kanya, pagkatapos nyang iparamdam yung saya kapag kasama sya bigla nyang babawiin at papatayin ka ng paunti-unti dahil doon.

Hindi masayang maiwan ng walang dahilan lalo na kung wala syang paalam man lang.

Ipinikit ko ng marahan ang aking mga mata. Inaalala ang mga sandaling magkasamang dalawa, hindi ko maiwasang masaktan. Sa tuwing naiisip ko na sa pagkakataong ito, hindi ako pinagkatiwalaan ni Azul. Nakakaramdam ako ng galit pero sa tuwing sasagi sa aking isipan ang maamo nyang mukha. Napapaamo nya ang nagagalit kong tigre sa kalooban.

Bigla namang sumagi sa isip ko yung isang line nung kantang kinanta ko sa kanya.

'Now you want to be free, So I'm letting you fly'

Napabuntong-hininga ako at kinagat ang labi upang pigilan ang pagtulo ng aking luha.

"Sige, pagbibigyan kita ngayon Azul. Pero kapag nahanap kita at hindi ka nagsabi ng magandang dahilan kung bakit ka umalis. Hindi ko alam kung anong magagawa ko"

'Hindi ako bato para hindi makaramdam, nasasaktan din ako. Sana alam mo 'yon,Azul'

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at dinama ang pagod at sakit. Mas gugustuhin ko pang mapaghinga kesa isipin ang mga bagay na nagpapagulo sa aking isipan. Masyadong magulo ang mundong napasok ko, masyadong magulo para intindihin ang pagkakabuhol-buhol. Pero dahil sa mahal ko sya, handa kong intindihin sya kahit gaano pa kagulo ang mundo niya.


#PakihanapsiAzullols
#AwayinsiKennedy
#Malapitnaangpagtatapos

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now