Kabanata 4

12 2 0
                                    

#PossessedLover

Illumination

"Tita Diana, please calm down." kanina pa pilit na pinipigilan nila Theo si Mommy na kasalukuyang nagwawala sa harap ng walang buhay kong katawan.

"How dare you ask me to calm down? 'Di mo ba nakikita, ha? 'Di mo ba nakikita? Patay na ang anak ko! Patay na si David! Patay na sya.." pinaghahampas ni Mommy si Theo sa dibdib ngunit kalaunan ay napayakap nalang ito, nawalan na ata ng lakas pero patuloy ang pagbuhos ng kanyang luha.

Gusto kong tumalikod at umalis nalang sa lugar na 'to. My greatest weakness is to see the people I love suffering from deep pain because of me. I hate their tears, I hate their sadness.

Unti unti akong lumapit kay Mommy na ngayon ay nakayakap na sa bangkay kong nakabalot sa puting kumot.

Nakita kong napatingin sa'kin si Flyn at tumango ito na parang sinasabing ituloy ko ang gusto kong gawin.

Kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko ay ang pagyakap ko kay Mommy. Hindi ko sya maramdaman pero tantya ko ang presensya nya.

"I love you, My. Sorry.."

"I-I'm so sorry, son. I love you, I love you, I love you.."

Habang yakap nya ang katawang tao ko, ang kaluluwa ko naman ang nakayakap sa kanya. Kapwa kaming humahagulgol habang sinasambit ang mga salitang huli na para sabihin.

"I'll admit it. Nawalan ako ng oras sa'yo, ang dami kong pagkukulang. Pero bakit naman ganito yung parusa, anak? Bakit naman grabe yung sakit?"

Yes, madami syang pagkukulang but I don't want her to feel that she's alone and be miserable forever. They said people will always move on kahit gaano pa kasakit yung pinagdaanan nito pero in Mommy's case, mukang imposible 'yon dahil wala na syang uuwian na pamilya na unang unang pinakamahalaga sa kanya.

Ang dami pang sinabi ni Mommy na nagpabigat sa puso ko. Akala ko ready na 'ko na sumama sa liwanag shit na yan pero bakit ngayon, parang ayoko na?

Ayokong iwan si Mommy.

Hindi rin nagtagal, may dumating ng mga nurse at ilang tauhan ng La Merced Funeral at sinabing ready na ang lahat para sa burol ko. Mas lalong humagulgol si Mommy.

Sapilitan nang pinigilan nila Theo at Johann si Mommy at pinakalma ito.

"Iuwi mo muna si Mommy. Let her rest." sabi ko kay Flyn. Lumingon muna sya kay Mommy sabay tumango.

"Tita, uwi po muna tayo." sabay lapit nya kay Mommy at akmang hahawakan ang braso nito pero iniiwas agad yun ni Mommy. "You need to take a rest, tita.."

Pero tumanggi lang si Mommy at nagwala na naman kaya tumawag na ng doctor sila Theo at in-inject-an ito ng pampatulog.

Mabilis namang umeffect kay Mommy ang gamot kaya sinakay nila ito sa wheelchair at dinala na sa parking lot para iuwi.

"Thank you." sabi ko kay Flyn bago ito pumasok sa kotse nya kung nasaan si Mommy. Tumingin muna ito sa paligid at ng nakitang nakapasok na ulit si Theo sa loob ng hospital at naka-andar na paalis ang kotse ni Johann ay bumaling ulit sya sakin.

"Yung liwanag," pagkasabi nya noon ay napatingin agad ako sa taas at sa buong paligid. "N-No," natawa pa sya pero bakas ang lungkot at pagod sa mga mata nya. "Sorry, hindi na kita masasamahan sa pagsama mo d-dun." Napayuko pa sya at tatapikin sana ang balikat ko pero kumunot ang noo nya ng tumagos lamang ito.

Ngumiti na lang ako kahit medyo nalungkot ako dun. Hindi ko kasi alam kung saan makikita 'yung liwanag na 'yun. "Okay lang, tol. Salamat sa lahat."

Possessed Lover | JJK & PJMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon