Kabanata 5

13 2 0
                                    

#PossessedLover

Wake

"Pakyu ka. Hanggang ngayon, ang bilis pa din ng kabog ng dibdib ko." sabi nya sabay lagok sa tubig. Nasa kitchen kami ngayon.

Natatawa pa rin ako, idadagdag ko na 'yun sa mga best memories ko kasama sya—pero mas pinili kong mag seryoso. Tama na ang joke time. Let's go back into reality.

"Where's Mom?" tanong ko sakanya.

Ginulo nya ang magulo nyang buhok sabay tingin sa'kin. 'Di ko alam kung nababaliw lang ako pero lumungkot ang itsura ng mata nya.

"Di ko alam kung mahina lang talaga yung epekto ng gamot na tinurok kay Tita Diana o sadyang malakas lang talaga sya," tumawa sya pero ramdam ko yung lungkot dun. "Nagising sya bago pa kami makarating sa bahay nyo. Nagwala sya. Puntahan ka daw namin, muntikan pa kaming mabangga. Ayoko namang mamatay pa kaya-"

"Asan nga sya?" ang daming paligoy ligoy. Madaldal talaga ang isang 'to.

"Nasa b-burol mo." Sagot nya at uminom muli ng tubig.

"Tara." yaya ko sakanya.

"Saan?" I gave him a 'hoy-ang-bobo-mo' look. "Ah, okay." bawi nya sa katangahan at umakyat muli sa kanyang kwarto. Kukunin ata yung susi ng sasakyan nya.

Pagkababa ng mokong, nagchange outfit pa pala. Dahilan nya, madaming artistang dadating at baka nandun yung crush nyang si Kathryn Bernardo.

Ang sarap ngang batukan at sabihing nandun sya para makiburol hindi para lumandi.

Pero naalala ko yung mga sinabi nya kanina kaya sige. Forgiven. Landi all he can.

"Seryoso, tol, anong nangyari?" tanong nya sa'kin nung pareho na kaming nakasakay sa kotse nya. Kung hindi nga lang ako tatagos, kanina ko pa sya binatukan. Pano ba naman, pinagsi-seat belt pa ako.

"Totoo yung liwanag, tol."

"Alam ko," sabi nya habang sinisimulang paandarin ang makina ng sasakyan. "Pero bakit nandito ka pa? Baka mamisunderstood mo, ha. Hindi sa ayaw kitang nandito. I mean-"

Tinapos ko na sya sa pagsasalita. Hirap na hirap na e. Gets ko naman.

"Hindi ko alam. Gumaan lang ng sobra yung pakiramdam ko nung lumabas yun tas nawala din." nakatingin lang ako sa labas habang iniisip yung mga nangyari kanina.

Nagsimula na nyang paandarin ang sasakyan kaya inabala ko ang paningin ko sa pagtingin sa paligid habang nakikipag usap kay Flyn.

"Hindi mo ba alam kung bakit? You're expert when it comes to this so why are you acting as if you're clueless?" tanong ko sakanya.

"May third eye lang ako, I'm not an incorporeal guru. In fact, ngayon ko lang naencounter yung ganyan." sabi nya sa seryosong tono. "Sorry, hindi ko din masasagot yung tanong mo."

Huminga nalang ako ng malalim at di ko na sya kinausap pa. Para din namang may malalim syang iniisip.

Isinantabi ko muna ang lahat ng iniisip ng huminto na ang sasakyan ni Flyn sa tapat ng La Merced Chapel, kung saan ako nakaburol.

Possessed Lover | JJK & PJMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon