#PossessedLover
Ara
"Flyn, Tita Diana, alis po muna kami." panimula ni Johann.
Nagtaka naman si Mommy pero ngumiti nalang at bumaling sakanilang dalawa ni Theo. "Sige na, mga hijo, magpahinga na kayo."
"Ah, no, 'ta. We're going back to the hospital. Gising na daw po si Ara." sagot naman ni Theo. Bumakas ang saya sa mukha ni Flyn at Mommy pero di pa rin nila maikukubli yung lungkot na nakikita ko sa mga mata nila.
"That's good to know. Pakisabi nalang na baka mamaya o bukas nalang ako makadalaw dahil ayaw ko pang iwan si David dito. Pagaling din sya 'kamo." sabi ni Mommy sakanila at tumango naman ang dalawa.
"Ikaw, di ka sasama?" tanong ni Theo kay Flyn na kasalukuyang nakatingin sa'kin na parang tinatanong kung anong gagawin nya. Nag-tsk si Theo, "Tulala ka nanaman, boy."
"Dito ka muna, Flyn. Ikaw muna bahala kay Mommy. Ako na yung pupunta kay Ara." sabi ko sakanya.
"Ah, dito nalang daw muna ako. Mamaya na din ako dadalaw." sagot naman nya kay Theo na naweweirdan na sakanya.
"Daw?" takang tanong ulit ni Theo.
Oh. Bobo spotted.
"Ha? May sinabi ba 'kong ganun?" palusot nalang ng mokong at nagkalikot nalang sa cellphone nya para siguro hindi na sya tanungin pa.
Umiling nalang ang mga ito, nagpaalam ulit kay Mommy at sabay sabay na kaming lumabas tatlo.
Pagkalabas namin, hindi naman na katulad nung kanina pero madami pa ding tao. Lalo na mga reporters sa iba't ibang radio and tv network.
Nang mamataan nila ang dalawa kong kasama, nagsiunahan silang makalapit dito at huli na para magmadaling umalis dahil dinumog na kami.
"Kamusta na kayo?"
"Anong pakiramdam na mawalan ng isang malapit na kaibigan?"
"What's your message to David?"
"What about the model Ara Perez, the girlfriend, we've heard naaksidente din sya? How is she?"
"Kamusta ang lagay ng NorthEast?"
"Paano na yung nalalapit nyong concert? Sino na ang magiging vocalist?"
Sari saring mga tanong agad ang ibinato sa kanilang dalawa na hindi alam kung ano ang uunahing sagutin.
"We'll set a conference regarding our concert soon. But for now, 'di po muna kami magbibigay ng official statement kasi nagmamadali po kami, please excuse us." seryosong panayam ni Theo.
Kung gaano sya kaseryoso on cam, sobrang kabaliktaran nya 'pag kami kami lang ang magkakasama.
Hindi pa rin kami makawala sa crowd—I mean, sila kasi kaya ko namang makaalis dito anytime—pero dumating na ang mga guards at inawat na ang mga tao.
Nakita kong nagpupunas pa sila ng pawis habang naglalakad papuntang parking lot. May naka assist na rin saming apat na body guard na lagi din naming kasama 'pag may event kaming pinupuntahan.
"Yung van po gagamitin nyo, sir? Nandoon po yung driver." sabi ni kuya Ronie, isa sa apat na mga personal bg namin.
"We'll use mine," sagot naman ni Johann.
Nang makarating sa parking lot, pumasok agad kami sa kotse ni Johann. Si Theo sa passenger's seat at ako sa likod.
Pinaharurot nga agad ito papuntang hospital. The same Johann Alcantara I've known. Yung tipong gugustuhin mo ng magsulat ng last willing testament dahil para ka ng aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng pagmamaneho nya.
BINABASA MO ANG
Possessed Lover | JJK & PJM
ÜbernatürlichesDavid Zulueta. Dalawang salita ngunit napakaraming kahulugan. Gwapo, matalino, mayaman, mapagmahal, talented, responsableng anak, perfect boyfriend at marami pang iba. Ngunit dahil sa isang aksidente, nahiwalay ang kanyang kaluluwa at kinakailangang...