PROLOGUE

1 0 0
                                    

PROLOGUE

"Boo, nasaan ka na? "
Sabi sakin ng boyfriend ko sa kabilang linya

"Malapit na ko Boo--"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang makita ko ang isang truck na mabilis ang takbo... And worse,  papunta sa direksyon ko...

Bago ko pa ma-absorb ang nangyayari ay malapit na sakin ang truck at ---

*BOOOOGSH*

"Boo, BOO WHAT HAPPENED?! BOO?  BOO! "

_________________

"FLASH NEWS REPORT!

Patay ang isang babaeng nagngangalang Lian Tiavez matapos mabangga ng isang truck ang sasakyan nito...  Ang driver naman ng truck ay nasa kritikal na kondisyon ngayon... "

__________________

Nakatayo ako sa harap ng kotse ko na halos wasak na...  Nakikita ko ang sarili ko na duguan sa loob...  Ilang sandali lang ay nakita ko si Gian na umiiyak at pinipilit na lumapit..

"Lian Tiavez? Ikaw ba si Lian Tiavez?"

Tanong sakin ng isang babaeng naka-itim na dress..

"Nandito ka ba para kunin ako? "
Mapait na tanong ko

Malungkot siyang ngumiti at tumango...
May ibinigay siyang isang cookie..

"Papakainin mo ba ko para di ako magutom sa biyahe papuntang heaven?"

"Hindi...  Ito ay tinatawag na memory cookie..  Pag kinain mo ito ay makakalimutan mo ang lahat ng ala ala mo sa buhay na to.."

"Sa buhay na ito?  What do you mean?"

"Lahat ng tao ay paulit ulit na nare-reincarnate...  At ang kapag kinain mo ito at hindi mo na maaalala sa susunod na buhay mo ang mga nangyari ngayon"

"Pero pag hindi ko kinain yan ay maaalala ko parin lahat?"

"Tama... Nais mo bang maalala lahat?"

Tumango ako at tumingin sa lalaking pinakamamahal ko na ngayon ay kasama na ang kakambal at ang mga kaibigan ko...

Bye guys....  See you on our next life...

Memories From My Past LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon