Division 2

42 6 1
                                    

Eccedentesiast (n) - someone who hides pain behind a smile.

Eccedentesiast. Have you ever met an eccedentesiast in your life? Are you sure? You might have met them but you're not aware. Imagine that you have talked with a stranger, asked his name. He answered you in a polite manner and afterwards smile. Can you distinguish what this stranger experiences at the moment? Probably, you can't. Because most of the time a person tend to fake expressions in order to look good or okay to other people. This is a practice since the world has began and I think that you can't do away with it.

"Sige! Umalis ka! At this moment, I will not tolerate your deeds!" sigaw ni mama. "Aalis ako! Kaya kitang iwan kung ganyan at ganyan din ang ugaling ipapakita mo sa akin ng paulit-ulit," malakas naman na sagot ni papa.

Pagsabog. Parang sumabog ang mundo ko nang biglang pagpasok ko ng bahay ay ganito ang nadatnan ko. Nabitawan ko ang bag ko at ibang dala- dala ko. Hindi makapaniwala ang mga mata ko sa nakita nito at hindi makarinig ng ibang tunog ang tenga ko matapos marinig ang mga salitang binitawan nila sa isa't isa. Pagbukas ko ng pintuan ng bahay namin matapos tumakbo, habang hinihingal pa ako, nakita ko mismo ang pag-aaway ng mga magulang ko na hinding- hindi ko pa nakita sa buong buhay ko. May hawak na mga papel si mama at papa naman ay may basag na paso sa tabi niya. Bigla akong napapikit, parang bumalik ang mga pangyayari noon.

Noong unang magkaisip ako, may hawak na sandok si mama para lutuin ang paborito namin ni papa na Sisig ala Beryl. Samantala, hawak ni papa ang susi ng kotse niya at aalis papuntang trabaho.

"Hon, aalis na ako," pagpapaalam ni papa sa malambing na boses. "Teka lang, Hon. Huwag ka munang umalis maaga pa," sambit naman ni mama na parang nagmamakaawa.

"Hay nako, ayaw mo talaga akong nawawala sa paningin mo," sabi ni papa na parang najo-joke. "Ikaw talaga, malamang ayaw kong mawawala ka sa paningin ko, kayo ni Alya," ika ni mama. "Alya, anak, halika nga rito," tawag sa akin ni papa. "Pa-kiss nga diyan sa cute kong baby," dagdag pa nito.

Niyakap nila ang isa't isa at saka ako pinagitna. Bigla akong napatingin sa mga litrato ng kasal nila na noon at maglilimang taon pa lang.

Nakasulat sa litrato na "Galaxy Montecillo meets the Beryl Santos of his life." Ang sweet nilang tignan doon. Apat na taong gulang ako. Wala gaanong malay sa paligid pero alam ko na noong mga panahong iyon na perpekto ang pamilyang mayroon ako. Ilang buwan lang ang nakalipas ay nagkaroon ako ng kapatid. Hindi isa kundi dalawa agad. Kambal sila at parehong lalaki. Pinangalanan silang Arche Onyx at Jasper Kale. Matapos ang sampung taon doon palang kami uli nasundan ng isa pang kapatid. Si Aurora Amber. Lahat ng pangalan namin mula sa akin na Alya Amethyst hanggang kay Aurora Amber ay hango sa astrology at gemstones. Mula ito sa Galaxy na mula sa astrology na pangalan ni papa at Beryl na gemstone na pangalan naman ni mama. Lahat ng bagay maayos pa lang sa paningin ko pero hindi na sa araw na ito.

Pagbukas ko ng mga mata ko, biglang napatingin sa akin sila mama at papa.

"Uh-m-m," nanginginig na sabi ni mama. "A-a-anak, nandiyan ka na pala," sabi ni papa na tila ba hindi siya makapaniwala. Bigla silang nag- ayos ng sarili na para bang walang nangyari kanina lang.

Wala na akong maisip na sasabihin o igagalaw ngayon. Tumakbo nalang ako ng sobrang bilis papunta sa kwarto ko. Hinabol ako nila mama at papa. May sinasabi si mama na para bang umiiyak na siya pero hindi na maintindihan. Naluluha na rin ako. Sa pagtapat ko sa pintuan ng kwarto ko, agad ko itong binuksan at agad ding isinara. Pilit na kumakatok si mama pero ayaw kong buksan. Ayaw ko.

"Alya, please anak open the door, magusap muna tayo," humahagulgol na sabi ni mama.

Ayaw ko talagang magsalita. Humagulgol nalang ako sa kaiiyak. Wala akong magawa, masabi o kahit na ano pa man. Basta masakit ang nararamdaman ko. Nahihirapan akong huminga. Sinisinok ng paulit-ulit. Bigla kong naitanong sa sarili ko, kailan pa kaya ang kasinungalingang ito? Kailan pa nila pinakitang masama sila pero may problema na pala. Nasa tamang edad na ako, at sa tingin ko dapat alam ko ito noon pa lang. Bakit parang ang mga taong nagturo sa akin na huwag magtatago ng kahit ano sa pamilya ay silang nagtatago ngayon? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa tanong na biglang sumagi sa isip ko. Galit ako sa kanila pero naawa ako sa mga kapatid ko. Paano na kami kung sakaling hindi sila magkaayos. Paano na ang pamilyang akala ko perpekto?

"Alya, anak aalis muna si mama. Magpahinga ka na," sambit ni mama habang sinisinok pa ng unti. Alas-dose na ng gabi at ito ako, nakatulala sa kisame ng bahay habang nahiga sa kama. Hindi pa rin nakakapagpalit ng uniporme. Mabigat ang dibdib at walang kahit anong nasa isip. Blanko na parang illustration board. Itim lang lahat.

Biglang may kumatok sa pinto. "Alam kong gutom ka na, iiwan ko ang pagkain mo rito sa labas," sambit ni mama na para bang nanghihina.

Pinalipas ko muna ang tatlong minuto bago ako tuluyang bumangon at kinuha ang pagkain.

Pagbukas ko ng pintuan ay nasa sahig ang pagkain. Walang tao. Ako lang. Dinala ko ito at sinipa ang pinto para sumara. Umupo ako sa kama. Kinuha ko ang plato na may scrambbled eggs at kanin. Biglang may nadaanan ang mga mata ko. May papel sa ilalim ng plato. Kinuha ko ito.

Anak,

Alam kong nagulat ka sa mga pangyayari. Mas mabuti sigurong bukas nalang natin pag-usapan ang mga nangyari kanina. Alam kong wala ka pa sa gana para buksan ang mga pangyayari. Tandaan mo mahal na mahal ka namin.

- Mama

Naluha ako sa mga nabasa ng mga mata ko. Napabulong ako ng mahina ng salitang "mama." Tapos ay napaiyak nalang ako.

Naalala ko ang mga panahong siya ang nagpapatahan kapag umiiyak ako. Kinakarga ako kapag naiinis na ako. Pinapangiti ako sa mga patawa niya. Ngayon, parang hindi nakakatawa ang mga pangyayari.

Unti-unti uling humuhupa ang mga emosyon ko. Lumunok ako. Nilakasan ang loob ko. Kakain na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

You have 1 unread message/s.

Si Shey nagtext.

Shey: Kamusta ka na Aly? Sorry hindi kita nasamahan umuwi kanina.

Ayos lang. Okay lang yun hehe. =) :Me

Biglang nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Shey. Video call pa. Paano kaya ako magpapakita sa kanya? Pulang- pula pa man din ang mga mata ko.

Dali- dali kong pinunasan ang mga mata ko at nagayos ng sarili bago ko pindutin ang button.

"Uyy, Hello bes!" pagbati niya.

"Hello, din bessi ko!" pagbati ko sabay ngiti.

"Bakit naka-uniform ka pa? Hating-gabi na a," pagtataka niya.

"Ah. Ito. Hindi pa kasi ako nakapagpalit e. Napagod sobra kaya tulog muna," palusot ko.

"Eh bakit pulang- pula yang mga mata mo?" tanong pa niya.

"Ah wala ito. Baka kulang ako sa tulog kasi natutulog ako bigla akong nagising e," palusot ko uli sabay ngiti.

"Yung totoo bessi? Nagdodroga ka 'no?" seryosong tanong niya. "Ayaw pa man din ng Pangulo yan bes," dagdag pa niya.

"Uy hindi gaga 'to, ako magdo-droga, ediwow ka rin," sagot ko sabay tawa ng kaunti.

"Ay siya nga pala. May early class tayo bukas papaala ko lang. Hindi mo kasi naseen yung post sa group natin e. Mga 6AM dapat nasa school na raw," sabi niya.

"Salamat," sambit ko.

"Nakapagtataka ka naman bessi, hindi ka agad nakapagonline," sambit niya.

"Osiya magpahinga ka na bes, para kang nakipag-giyera sa isang hukbo ng leon sa itsura mo," panloloko niya sabay tawa.

Binaba ko na ang cellphone. Bigla kong naalala, hindi pa pala ako nakakain. Kumain na ako nang sobrang bilis dahil antok na rin ako. Para bang sobrang pagod ako. Para nangang nakipaggiyera ako sa leon. Pagkatapos noon ay humiga na ako.

Mabigat ang pakiramdam ko. Hindi gaya ng dati. Ano kayang mayroon? Hays. Hayaan na nga natin. Bukas nalang.

Absquatulate: The Love UnsharedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon