This is a short story, so enjoy! Hihi. Vote and comment na rin :> May onting SPG hehe.🍆
***
"Bessy!" isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sa bestfriend kong si Cassandra. Kung makayakap sa akin akala mo naman isang taon kaming hindi nag kita eh isang araw lang naman haha.
"Mukhang hindi mo ako namiss ah." pag bibiro ko.
Bumitaw na siya sa mahigpit niyang yakap. Ang lambing-lambing talaga ng bestfriend ko. Nung pag bitaw niya, may nakita akong lalaking nakatayo sa likuran niya at mukhang hinihintay siya. Matangkad, gwapo, maputi, kumikinang na mga mata, yung bang lalaking nakakalaglag panty! Haha! Dejoke lang. Mukhang babaero 'tong isa na 'to. Dating at ayos niya pa lang.
"Uy sino 'yan?" tanong ko habang tinitignan yung lalaking nakapamulsang nakatayo. Anlaki ng ngiti ni Cassandra at tumabi siya dun sa lalaki. Hinawakan ni Cassandra yung kamay. Don't tell me...
"Mia, I want you to meet Kris. He's my boyfriend."
Nagulat ako kasi hindi pamilyar yung mukha nung lalaki at parang first time ko lang siyang nakita dito sa campus. Nginitian ako nung lalaki. Ganda ng ngiti.
"Kris, this is Mia. My bestfriend."
"Yeah I know her." nagulat ako sa sinabi niya.
Napataas yung isa kong kilay. "Pano?"
"Kilala lang kita. Basta 'yon." ang gandang sagot ah! Tss.
"Owkay! Let's go."
Pumasok na kami sa mga klase namin. Mabilis ang oras at mabilis din natapos ang klase. Nung uwian na nakita ko si Cassandra sa labas ng school, kasama niya ang boyfriend niyang si Kris at mag kahawak sila ng kamay. Napansin ko ang mata ni Kris sa tuwing may dumadaang magandang babae, sinusundan ito ng mga mata niya. Walang'ya 'to ah! Hawak hawak niya pa ang kamay ng girlfriend niya tapos susulyap-sulyap sa ibang babae?! Baka niloloko niya lang ang bestfriend ko!
"Miaaa!" nakita ako ni Cassandra na nakatingin sa direksyon nila. Nag wave siya sa akin at nag punta dito sa kinatatayuan ko. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Kris.
"Alam mo ba 'yang boyfriend mo?" tinaasan ko ng kilay si Kris. Nag taka si Cassandra sa sinabi ko.
"Why him?"
"Tumitingin sa ibang babae!" nanlaki ang mata nila pareho ni Cassandra.
"What are you talking about?" aba painosente pa si gago.
"Totoo ba?! IKAW TALAGA! 'Di ba sabi ko sayo sa akin lang ang atensyon mo! Bahala ka nga diyan!" nag walk out si Cassandra.
Baka makasira ako ng relasyon nito. Dapat hindi ko na lang sinabi.
"Salamat ha! Away nanaman 'to." tumingin sa akin si Kris at nag kamot ng ulo tsaka siya sumunod kay Cassandra.
Dumeretso na agad ako ng apartment na pinag titirahan ko. Hindi ko kasama ang pamilya ko, at paminsan-minsan lang ako umuuwi sa probinsya namin kapag long weekend. Miss ko na din ang pamilya ko, tatlong buwan na kaming hindi nag kikita-kita.
Binuksan ko ang kalderong nakasalang sa stove. Wala na palang laman. Nakakatamad mag saing. Lumabas ako para dun na lang kumain. Nag punta ako sa hindi kalayuang karinderya. Dito ako kumakain minsan.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Boyfriend
Short StoryAlam ko nung una pa lang na mali 'to. Mali ang nararamdaman ko, nararamdaman kong damdamin para sa boyfriend ng bestfriend ko.