•Narrative•
Hinabol ko si Arrow. Nang maabutan ko na siya, pinigil ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso pagkatapos ay hinarap ko siya sa akin. Bumungad sa akin 'yong busangot na pagmumukha ni Arrow.
"Anong nangyari? Bakit mo ko biglang iniwan doon? "
Hindi siya sumagot. Tapos inalala ko 'yong linyahan namin kanina, at 'yong nakita kong tinatanaw ni Arrow.
"Hoy Pana, don't tell me... " siningkitan ko siya ng mata. "Nagseselos ka kay Tori at Tenecius? "
Bigla itong nag-iwas ng tingin, bumuntong hininga at saka tumango. "Mas gwapo naman ako sa lecheng Tenecius na 'yon, pero bakit siya pa ang nagustuhan ni Tori? Ang tagal-tagal na naming magkasama, magkakilala, pero hindi pa rin siya sa'kin napunta? Tapos kakakilala lang nila, close na agad sila? Lecheng buhay 'to. Leche talaga ang tadhana na 'yan. "
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hoy, grabe ka sa life at destiny, ha! Wala silang masamang ginagawa sa'yo."
OMG! All this time, akala ko talaga... ako 'yong crush niya. I mean, hello! Ang sweet niya sa'kin for the past months at saka mahilig siya sa may chubby cheeks na mayroon ako... kaya hindi naman na siguro kataka-taka na isipin ko iyon, 'di ba?
"Sa totoo lang, ang ideal ko naman talagang babae... e ikaw. " ani niya na pumukaw sa atensyon ko. "Kaya nga noong show your talent day, ikaw ang nilapitan ko. Ang tagal ko nang hinihiling na sana, makahanap ako ng babaeng katulad mo. Kaso noong dumating ka naman, hindi pa rin kita nagustuhan. Saka wala e... siya pa rin talaga ang tinitibok ng puso ko. "
If Tori can hear all of these, shems! Baka bigla siyang magising sa katotohanan at biglang si Arrow na ang magustuhan niya. Kitang-kita ko 'yong sincerity at truthfulness sa lahat ng sinasabi ni Arrow.
"Grabe talaga. Walang ideal-ideal pagdating sa pag-ibig. Kapag tinamaan ka talaga, iyon na 'yon! No buts, no questions asked—siya na talaga ang mamahalin mo kahit hindi naman siya ang tipo mo. " dugtong ni Arrow sa sinabi niya. "Ayoko talaga sa singkit ang mata, e! "
Natawa ako sa sinabi niya. Ano bang mayroon sa singkit na mata at ayaw niya? Cute naman, ah.
"Kiyarah. " pagkuha niya ng atensyon ko kaya napigil ang tawa ko. "Huwag mo 'to sasabihin kahit kanino, ha? "
"Oo naman. Your petmalung secret is safe with me. " ani ko sabay tango.
"Saka 'wag ka iiyak at malulungkot, ha? Alam ko namang nag-e-expect ka na ikaw ang magugustuhan ng isang gwapong tulad ko. "
Pinalo ko siya sa braso niya. "Buset ka talaga! Nakakainis ka! "
Argh. Sa totoo lang hindi naman talaga ako naiinis sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil napaka-assuming ko!
Dalawa lang naman kasi ang patutunguhan ng pag-a-assume—it's either masasaktan ka or mapapahiya ka. For me, it's the latter part!
Shems, lupa lamunin mo na ako!
Natuwa naman ako nang kahit papaano ay tumatawa na si Arrow dahil sa kalokohan niya at sa pagkaasar ko. At least kahit papaano, nabawasan naman siguro ang sakit na nararamdaman niya.
"Kiyarah, ikaw lang talaga ang nakakaintindi sa mga actions ko. Nagets mo agad kung bakit ko natipuhan 'yong loveteam kuno natin sa classroom, 'yong pangangailangan ko ng acting partmer kuno, tapos pati na rin dito ngayon. Salamat, ha. "
Naks. Nakaka-touch! "Sus, walang problema. That's what friends are for. " sagot ko sa kanya.
"Dapat that's what friends are two lang 'yon! Dalawa lang tayo, e! "
"Toyo ka talaga, Mokong ka! " ani ko at saka siya binatukan. Nang pagtingin ko sa tapat ng classroom namin ay wala nang tao sa labas. "Shems, Arrow! Nagkaklase na sila! Late na tayo! "
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...