•Narrative•
Dumaan na naman ang ilang buwan. Nakatapos na kami ng First Sem, nag-awarding na rin. (Salamat sa Diyos sa paggabay dahil nakasama ako sa With Honors! ) Nagbukas na ang Second Sem. Dumaan na rin ang Pasko, Birthday ko at New Year. At marami na ring araw ang nagdaan na nag-acting practice kami ni Arrow. Hindi lang yata siya ang nasanay at nag-enhance ang acting skills, feeling ko pati ako nadamay. Joke!
February na ngayon. Hindi naman talaga Valentine's Day ang nagpapa-excite sa akin sa buwan na ito. Sa totoo lang, 'yong Fieldtrip talaga!
Tapos na naming bisitahin ang museum, zoo at isang factory ng tinapay. Ngayon nandito na kami sa inaabangan ng lahat, ang Star Kingdom!
Marami ngang sumama ngayong taon sa Fieldtrip dahil may amusement park hindi katulad last year na kaunti dahil puro Zoo at Ocean Parks lang. (Mga pasaway na estudyante). Sa Grade 11 Academic students nga, sina Tori at Arrow lang ang hindi nakasama. 'Yong pera raw kasi na sana'y pambayad sa FT ay gagamitin na lang daw nila sa pagpunta sa Japan sa bakasyon, doon sa bahay nina Tori. Susyal ang mag-bestfriend! Sana lang ay gumawa na ng da moves si Arrow habang nasa ibang bansa sila.
Medyo malungkot tuloy ang pamamasyal (talaga?!) ko rito dahil wala akong kasama. Si Arrow lang naman kasi ang close kong kaibigan ngayong Grade 11. Hashtag Forever Alone tuloy ang peg ko ngayon.
Habang naghihintay sa binili kong Cotton Candy, may nakita akong pamilyar na mukha.
Wait—si Tenecius!
"Ito na ang cotton candy mo.Thank you sa pagbili! " pagkuha ng atensyon sa akin ni Ate. Wow, ang cute ng cotton candy ko! Korteng pig!
Pagbalik ko ng tingin, wala na si Tenecius sa kinalulugaran niya kanina.
Hmm... baka namamalik-mata lang ako.
Pagpihit ko palikod, may nakabanggaan ako.
"Tenecius! " may pagkamalakas kong sabi dahil na rin sa gulat. Bigla kasing sumusulpot!
Pagkakita ko sa mukha niya... "Hahaha! Hala, dumikit 'yong cotton candy sa mukha mo! "
Nanlaki ang mata niya at dali-daling kumuha ng panyo pero pinigilan ko siya. "Wait! Huwag muna. "
"Bakit ba? " tanong niya.
"Kasi... pipicturan muna kita! Haha ang cute kasi, e! Color pink! "
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
JugendliteraturPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...