CHAPTER SIXTEEN

1.9K 32 1
                                    

Chapter 16

Love?

Nakatulog ako ng dahil sa pag-iyak. Nagising nalang ako nang maramdaman kong bumabaliktad nanaman ang sikmura ko. Tinungo ko ang toilet bowl at nagdududwal na ako. Naramdaman kong tumulo ang isang patak ng luha ako. Alas singko palang pala.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Sumulyap ako sa salamin at nakita ko kung gaano ka puffy ang mga mata ko. Jusko, ang pangit ko promise!

Lumabas ako ng kwarto, nakaligo na ako. Nakasuot lang ako ng isang sweat pants, rubber shoes at isang racer back. Mag j-jogging ako!

"Oh? Saan ang gora mo?" gulat ako ng makita ko si Wendy na nagkakape sa kusina. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Malamang mag jo-jogging" sabi ko sabay irap. Narinig kong natawa niya ng malakas. Umismid nalang ako at lumabas na ng pinto.

Sumalubong ang malamig na hangin sa akin paglabas ko sa glass door ng building. Inayos ko ang strap sa aking braso para sa lalagyan ko ng ipod. Huminga ako ng malalim. Dati, ganitong oras nasa condo na namin si C. I miss him so much.

Nagsimula na akong mag jog, hindi yung batak, mild lang hahaha. Siguro, kung nasa bahay lang ako ngayon, baka tulog pa ako, pero nag-iiba ang ang ikot ng utak ko ngayon, baka sa susunod na mga araw pa ay magigising na ako ng maaga.

Nakarating ako sa isang park na marami ring mga taong nag j- jog. Nakita ko kung paano nasinagan ng araw ang mga gumamela dito sa people's park. Umupo ako sa isang bench at uminom ng tubig sa dala kong tumbler. Ine-enjoy kong panoorin ang sunrise nang biglang may tumabi sa akin dito sa bench. At first, I ignored it pero nang bigla kong maamoy ang pamilyar na amoy ng pabango at napabaling ako sa katabi ko. Ang singkit niyang mata ay hindi parin nagbabago, humaba na ng konti ang buhok niya at kumislap ang ear piercing niya dahil sa sinag ng araw.

"Kumusta?" he smirked.

"Okay lang, Matt. Ikaw?" I smiled. Wala akong ganang magalit, dahil ano pa ang idadada ko dito kung may bago na ako? Haha! Hindi ako lubog sakanyan para hindi makaahon agad!

Tumingin ako sa likod niya at nakita ko si Jill. I smiled at her, she smiled back but I can sense that she's faking it. I rolled my eyes, akala naman niya aagawan ko siya. Kahit maghalikan pa kayo sa harap ko! Mandidiri lang ako pero hindi magseselos!

"Una na ako, Matthew" Tumango si Matthew at hindi ko na tinapunan ng tingin si Jill, baka dahil sa inis ko masabunutan ko siya pero iniisip ko ang baby ko. Huwag nalang, sayang ang effort.

Mataas na ang araw nang makarating ako sa tapat ng building ng condominium namin. I'm so hungry! Sana pala kumain na ako doon sa restaurant doon malapit sa people's park. Pumasok na ako sa glass door ng building at tumungo sa elevator.

Pikit mata kong tinungo ang pintuan namin nang makarating ako sa tamang palapag. Nagising bigla ang diwa ko nang makita ko si Papa, and Carlos? Omygod! He's here. Nagiinit ang mga mata ko sa nagbabadyang luha. He's fine and alive and kicking! Damn!

Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Naamoy ko pinaghalong pabango at ang natural niyang amoy sa kanyang dibdib. I'm glad that he's ok, except the fact na may mga galos siya sa braso at gilid ng mukha. May gasa din na nakalagay sa left side ng noo niya. Halos nakalimutan ko palang nandito din si papa! I turned to him. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Dumating ng ilang sandali ay napalitan ito ng galit.

Oh-oh. What the hell?

"Pa? Y-You're here!"

He smiled at me. Ngunit tumingin siya sa likod ko. Hinawakan ni C  ang siko ko at naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay. His cold and trembling hands made me shiver, parang may pinaghalong spark at takot.

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon