Mahal Pagod na Ako

168 3 0
                                    

Mahal maaari naba akong sumuko? 
Sapagkat ako'y pagod na, 
Pagod ng maniwala sa matatamis mong salita. 
Mag ingat ka,
Kumain kana ,
Matulog kana, 
Mahal kita.
Mga salitang bumihag sakin
Inakalang ikaw ay akin .

Mahal meron nga bang tayo? 
Meron nga bang "ikaw at ako"? 
O sadyang "ako" lang ang meron "ako"?

Hindi ko alam kung anong nakita ko sayo,
Sa dinami rami ba naman ng tao sa mundo,
Sayo pa nahulog ang tangang puso ko.

Mahal nasaan na? 
Nasaan na nga ba yong maganda nating simula.

Sa isang iglap naglaho nalang bigla. 
Na para nga bang ito'y isang bula.

Mahal ,mali ba ako? 
Mahal, tanga ba ako?
Kasi inibig ko ang isang tulad mo?

Sabi ng isip ay isuko na kita
Ngunit Bulong ng puso'y ikaw lang talaga
Ako nga ba'y sadyang tanga 
O sadyang mahal lang kita.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, 
Sapagkat sa puso mo,
ako'y wala ng lugar.

Wala nga palang permanente sa mundo 
lahat nga pala ay nagbabago
Kayat tama lang 
na sumuko nako
Kasi mahal pagod na ako.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon