Chapter 12- Hades

1.9K 55 2
                                    

Nathalia's

Dumeritso na ako sa locker room para maligo. Lintek na buhay to. Mahirap ba talagang mamuhay ng normal? I mean bakit porket nabangga sila, kailangan na agad makaranas ng ganito? How immature!

Minabuti kong magmadali sa pagligo. Late nako sa first subject ko. Nang buksan ko ang pinto ng locker ko napapikit ako ng biglang may tumama sa mukha ko, fudge.

"Dyran Cal" Inis akong napapadyak at tumakbo patungo ulit sa banyo! Mukha na ba kong hotdog at ketchup lahat ng ibinubuhos sakin? Lintek lang ang walang ganti!

Mabilis akong nagbihis. Wala na kong uniform, extra skirt meron pero blouse wala na. Kaya nag tshirt nalang ang isinuot ko at nagjacket ng black para hindi masyadong halata.

Lalabas na sana ako ng locker ng biglang tumunog ang phone ko. Sa inis ko ay marahas ko tong kinuha mula sa bulsa ko, unregistered number?

Minabuti kong ibaba ang tawag at isinilid ulit ito pero tumunog na naman ito ulit.

"Ughhh! Can't people just leave me alone?!" Napapabuntong hininga kong sabi. I caught everyone's attention. Masyado atang napalakas ang boses ko. I throw them death glares kaya panay ang iwas ng ilan.

I sighed and fetch my phone. Sinagot ko ang tawag at itinapat ito saking tenga.

[...] tatawag tawag hindi rin naman pala magsasalita.

"Sino ka?" Tanong ko, dahil mukhang wala siyang ganang sagutin ako.

[Miss me? Hi Nathalia....] sasagot pa sana ako ng biglang nawala ang tawag.

Fuck! Fuck! Fuck!

Biglang nagdilim ang paningin ko. Mabilis akong lumabas ng academy. Bawal man pero pasensyahan manong guard. Kung kailangan kitang suntukin, gagawin ko, makadaan lang ako.

Tinakbo ko ang distansya ng school at bahay. Pagdating ko run nadatnan kung kumakain ang dalawa.

"Ate" sabay nilang tawag sakin.

"Wag muna ngayon kambal, mainit ang ulo ko. Dito lang kayo okay? Sa gworld muna ako"

Sabi ko bago umakyat sa kwarto ko. Nagbihis ako ng outfit ko sa gworld at lumabas. Sumakay ako sa kotse run at pinaharurot iyon doon.

Nag-iinit ang dugo ko. Gusto kong pumatay ng tao. Naiinis ako at kumukulo ang dugo ko!

Sa secret passage parin ako dumaan. Nagsimulang mamuo ang luha sa mata ko pero pinigilan ko iyon. Hindi pwede. Hindi pwedeng ngayon ako maging mahina. Inis ko iyong pinahid at at lumapit kay princess.

"I want a fight. Pronto." Isang tango lang isinagot niya sa akin at ina-nnounce iyon. Narinig ko mula rito sa itaas ang hiyawan ng gangsters.

Bumaba na ko at agad na pumasok sa arena. Sa pagbaba ko isang lalaki ang agad na lumapit saakin ngunit dala ng galit, malibis ko siyang napatulog ng isang suntok.

Hindi na ko nagsayang ng segundo at sinugod sila isa isa. Lahat ng galit ko sa lalaking kinamumuhian ko at sa naging punot dulo ng impyerno sa buhay ko, ibinuhos ko sakanila.

Nagsimula na naman akong maiyak. Dahil sakanya nangyari lahat to. Nagkawatak watak ang pamilya ko.

Kinuha niya ang kapatid ko. He was the reason and he was the mastermind ng nangyari saamin noon. He fuck up everything.

Kung bakit ako naging gangster queen, kung bakit imbes na mamuhay ng normal ay pinili kong sumanib sa mafia. It's all because of him.

Tinapos ko ang lahat at hinihingal na nilibot ang tingin. Lahat ng naglakas loob na makipaglaban saakin ay puro duguan at nakalatay na sa sahig. Mabubuhay pa naman sila, kung kakayanin.

"Okay ka lang ba Queen?" Sabi nito. I just smiled at her.

"Yeah, i'm fine." Sagot ko sakanya. "Aalis nako Princess." Iwinagayway ko lang ang kamay ko at iniwan siyang nalilito.

Ikinalma ko ang sarili ko. Naiiyak naman ako, but this time i won't stop my tears. I'll just let it flow and then i'm off to go.

Hahanapin kita Hades... siguraduhin mo lang buo pa ang kapatid ko kapag nakita kita, kundi sabog yang ulo mo...

Napatingin ko sa phone ko ng bigla iyong tumunog. Isa na naman iyong unregestered number

[Nice fight. Can't wait na makita at makalaban ka Nathalia."] Sinundan iyon na mapang asar na tawa bago niya ibinaba ang tawag.

No. You should be ready now Hades, i'll fuck your life. Mabilis kong tinrace ang number niya. So stupid of him at hindi niya man lang sinira ang sim niya.

Nakangisi kong pinaharurot ang kotse ko patungo sa kinalalagyan ng demonyong iyon.

Agad kong sinundan ang sinasabi ng tracker at dinala ako nito sa bodega. Maalikabok ito at halatang luma na. Sa pagkaka-alam ko ay dati itong kompanya, ngunit nabalitaang nasunog.

"Sabi ko na nga ba. You never failed to amaze me Nathalia." Nagtagis ang bagang ko.

God knows how much I want to rip that smile out of his face.

"Nasaan ang kapatid ko?" Walang emosyon kong sabi. Yon lang naman ang gusto ko sa ngayon. Ang makuha ang kapatid ko saka ko na pag-iisipan kong pano siya patayin.

"Not so fast, Nathalia" nakangisi nitong sabi sakin. Nag-init ang dugo ko at sinugod siya. Tatakbo na sana to ng mahawakan ko ang kwelyo niya.

"Not so fast, Hades,"

Malakas ko siyang tinumba at pinagsusuntok ang mukha niya. Sa kamao ko na ibinuhos lahat ng galit at puot sakanya.

"Ilabas mo na !!!" Sigaw ko sakanya. Sarado na ang isang mata nito at namamaga. Putok narin ang labi nito at sumusuka na ng dugo, basag narin ang matangos nitong ilong.

"Hindi ako si Hades!" Sigaw nito kaya nasuntok ko na naman siya.

"Talk" malamig kong sabi.

"Hindi ako si Hades. Wala na sa akin ang kapatid mo. Naglayas siya! At wala na kaming koneksyon." Sabi nito.
Susuntukin ko na sana niya ng bigla siyang magwala.

"N-nathali--a b-bbinuhay k-oo siya, i-ikaw nna bbahhala sa ppammiillyaa koo pllease ddi ko gginussto itoo"

K-kinain na ng chemical ang katawan niya but I was able to get the flashdrive he was holding bago pa ito matunaw.

Familia d' Madrin

That Nerdy Gangster Goddess Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon