-Disclaimer-
This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are the products of the author's imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this story may be reproduce, distributed or transmitted in any form or by any means without the permission of the author. Please Don't Plagiarize.
***
Hi. I'm Jasper Trono 20 years old a Grade 12 student.There is a girl named Elaiza Cruz, since high school pa kaming magkaklase. Sa dinami-daming sections sa school bakit palagi talaga kaming magkaklase? Tadhana nga naman chos. Yun tuloy, sa unti-unti naming paglaki unti-unti din akong nahuhulog sa kanya. Pero hindi dapat ako mahulog,dahil...... Mabigat ako hakhak hindi naman ako masyadong mabigat, ilan ang weight ko? Sekret. So, yun na nga ang lalaking nagngangalang Jasper ay nainlab sa babaing nagngangalang Eliza. And speaking of my future wife papunta na sya dito nakss future wife talaga ei ang korny.
"Libre mo 'to Jas ah" Sabi ni Elai sabay lapag sa lamesa ang tray na puno ng mga pagkain at umupo sa tapat ko. Yahh ang gentleman ko talaga ei kaya sya na yung pumunta sa counter at nag-order kanina.
"Ang madami naman nyan. Mauubos mo ba lahat yan?" Nasa Jollibee nga pala kami kumakain ng pangtanghalian. Rich kid nga daw kasi kami kaya kami nandito.Sa canteen talaga ang gusto ko para makatipid pero namiss daw kasi ni Elai sa Jollibee kaya nandito kami. Hindi naman kasi talaga si Jollibee ang namimiss nya ei kun'di yung mga pagkain. Ang dami nya kasing inorder para sa'kin sakto na ito para sa 3 kainan sa isang araw.
"Ako lang ba ang kakain? Ako lang ba?" Medyo may pagka pilosopa din itong si Elai ei hindi ko alam kung dapat ba akong magagalit sa kanya pero minsan nakakatuwa din naman.
"Oo na oo na. Tayong dalawa nga kakain nito" Sabi ko. Kukuha na sana ako ng fried chicken kaso bigla nya hinila ang plato na kinalalagyan ng fried chicken papunta sa tabi ng kanyang plato.Okay.Ito nalang spaghetti sa'kin.Kinuha ko ang tinidor at kukuha na sana ako ng bigla nya naman itong hinila.Hinila na rin nya pati yung fries pero binigyan lang ako ng tatlong piraso pati ung ibang pagkain at sa huli yung chocolate sundae lang yung napunta sa akin.Buti nalang at may binili din sya para sa akin. Parehas naming favorite ang chocolate sundae kaya dapat ubusin ko na agad itong sa akin bago pa nya maubos ang sa kanya at agawin na naman itong sa akin.
"Ang takaw pero hindi din naman tumataba" Bulong ko pero parang narinig nya yata dahil yung mga tingin nya parang pati ako kakainin nya na din.
"Narinig ko yun ah. Narinig ko yun!" Narinig nya nga. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa school.
Bestfriend ko si Elai simula nung 1st year high school pa lang kami. Hindi ko na sasabihin sa inyo kung paano kami nagiging magkaibigan dahil sekret lang yun hakhak. Hindi ko na rin kasi maalala masyado kung paano ko sya naging kaibigan, basta dahil sa bilis ng panahon di ko namalayan na naging kaibigan ko na sya at masaya ako na naging bahagi sya ng buhay ko.
Tapos na ang klase.Sabay kaming lumakad ni Elai papunta doon sa parking lot ng school namin. Hindi kami mayaman pero may kaya din naman kami kaya wag kayong mag-expect na isang magarang sasakyan ang pupuntahan namin ni Elai sa parking lot kundi...Isang bicycle lang naman. Hindi din naman ito makukuha agad dahil may lock ito. Sumakay na ako sa aking bike at nagsimula ng mag-bike
Napahinto ako dahil napansin ko na hindi sumusunod sa akin si Elai.