Chapter 23: tagpuan

767 31 10
                                    

M A Y      2 7      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Anghel's Point of View

Nasa malayo ako habang tinatanaw ang burial ni Inna. Ang sabi ko hindi ako pupunta dahil wala namang sense ang ginagawa nila. Buhay pa si Inna at alam ko totoo itong nararamdaman ko. Alam ko tama ito. At hindi ako titigil hanggat wala silang pinapakitang bangkay saakin.

Nang umalis na ang lahat ay naiwan ang Mommy at Daddy niya dito. Pareho silang iyak ng iyak habang nakatingin sa litrato ni Inna.

Saglit ko silang pinagmasdan bago tumalikod.

"Ang bilis niyo sukuan si Inna. Tsk." Napapailing at hindi makapaniwalang saad ko.

OoooOoooOooo

Maaga akong nagising dahil malayo pa ang pupuntahan ko para ipagpatuloy ang paghahanap kay Inna. Konti na lang ay mahahanap ko na siya.

Nang makarating ako sa pupuntahan ko ay kaagad kong pinagtanong tanong kung may nakakita ba kay Inna sa kanila. Buong araw kong ginawa iyon hanggang sa dinala na ako ng mga paa ko sa simbahan. Wala na akong lakas ipagpatuloy ang paghahanap ngayong araw. Magpapahinga na lang muna ako dito. Wala din naman kasi akong tutuluyan kaya dito na ako magpapalipas ng gabi.

Naupo ako sa may bandang likuran tsaka tinitigan ang altar sa harapan. Kinuha ko ang litrato ni Inna na parati kong dala.

"Hindi ako susuko. Alam ko sinusubukan Mo lang ako. Hindi ako titigil sa paghahanap kay Inna. Alam ko kaunti na lang ay magkikita na kami. Alam kong nasa paligid lang siya, nararamdaman ko yun. Hihingi po sana ako ng mas maraming lakas, Panginoon. Gabayan Niyo po ako at ituro Niyo ang daan ng kinaroroonan ni Inna." Marahan akong ngumiti tsaka ginawang unan ang bag na dala ko at niyakap ang litrato ni Inna.

OoooOoooOooo

{play the song para mas feels}

Pagod na ako. Mag-iisang buwan na rin nang magsimula kong hanapin si Inna. Kung saan-saan na ako napadpad. Ginawa ko na ang lahat, wala pa rin.

Bakit mo to ginagawa saakin, Inna? Isa lang naman ang gusto ko, yun ay ang makasama ka habangbuhay.

Bakit mo ako iniwan? Sabi mo babalikan mo ako dito pero nasaan ka ngayon?

Hindi ako nagkulang ng panalangin na sana mahanap pa kita. Na sana bumalik ka na saakin. Pero nakakapanghina na ng loob, Inna. Lalo na kung lahat sila ay sumuko na at tinanggap na lang na tuluyan ka ng umalis.

Napatingala ako sa mataas na simbahan kung saan ako dinala ng mga paa ko ngayon. Pumasok ako doon at naupo sa harapan. Muli akong tumingin sa altar habang patuloy na lumuluha.

"Ibalik Niyo na po saakin si Inna. Gusto ko na siya ulit makasama." Mahinang bulong ko. Umiyak lang ako nang umiyak doon hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko.

"Anghel!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko at unti-unting lumingon sa kanya.

"I-Inna?" Dahan-dahan akong tumayo tsaka nanlalaking mata siyang pinagmasdan. Nandito talaga siya. Nakangiti siya saakin habang kumikinang ang kanyang mga mata.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon