SY: Chapter 49 - Dejavu

35 2 0
                                    

Janna's POV

"Are they use to do this??" Bulong ko kay Paul sa tabi ko. He released my hand. "Pag lang may bisita." Sabi naman nya.

My family were rich, rich enough to have this kinds of servants and maids. Pero apat lang naman kami sa bahay, kaya iilan lang ang maids namin. Apat lang pero siguro lagpas 15 maids and servants ang nasa harapan namin.

"Let's go??" Tanong nya. Nilingon ko sya. Nagsimula na sya sa paglalakad kaya sumabay na rin ako. I roamed my eyes around. Their house were really huge. Siguro kasya ang 20-34 na tao dito sa bahay nila. Ang hagdanan nila ay may red carpet din.

Well, hindi na ako magtataka kung ganito kalaki ang bahay nila. Paul's granfather is a former mayor after all. And now, they have business and they were also running an elite school.

Mahaba ang nilakad namin hanggang sa makarating kami sa dining area. May mahaba doon na lamesa na may 21 na upuan, ang 19 ay occupied na. Napatingin ang mga nakaupo doon.

"Ahm.. your.. family??" I simply whispered. Tumango sya sakin.

"Finally, the spoiled brat and favorite grandchild came." Ani ng isang lalaki na nakatingin lang saamin ng madilim. Siniko sya ng katabi nyang babae. "Hija, come here. Please take a seat." Lumapit sakin ang babaeng nasa mid 40's at saka ako sinamahan sa upuan sa tabi ng isang batang lalaki.

"Are you his girlfriend??" Tanong nung naniko kanina. Nakaupo sya sa tabi ng nasa 15 yrs old na babaeng nasa harapan ko. "Again??"

"Shut it, Kendrick."

"Tama na yan. Hija, buti at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. We was expecting you today." Binalingan ko ang Lolo ni Paul na nasa gitna. Naupo si Paul sa tabi ko. "Hindi ako makapaniwala na ikaw ang kababata ni Paul. Look at you now, a bit cheerful and full of comfident. Unlike before."

"People change, Papa." Ani ng isa ring nasa lalaki na nasa mid 40's. Ang pagbanggit nya ng word na "Papa" ay may accent.

"Anyway. Reunion kasi ng family namin ngayon but since you are Paul's childhood bestfriend. I guess, pwede ka naman na makasama rito. I'm Caroline by the way." Sabi nung babae na ka-age lang din ata namin.

Sumabat na ang babaeng naghatid sakin dito sa upuan ko at pinakilala isa-isa ang mga taong nasa lamesa. Hindi lang pala sila ang relatives ni Paul na nandito. Marami sila, meron nasa backyard sa may pool. Meron din sa taas. And after that, we start eating dinner.

Ang ingay-ingay ng hapag habang kumakain kami. Pabalik-balik sa lamesa ang ilan sa mga batang pinsan ni Paul para kumuha ng pagkain saka babalik sa backyard nila.

Hindi ako kumportable. I'm really not belong here. Cause this is their reunion, hindi dapat ako nandito. Tiningnan ko si Paul na pinatong ang kamay sa likuran ko. Nawala ang kaba sa dibdib ko dahil sa ginawa nya.

Nilapit nya ang mukha saakin. "Are you ok?? We can go outside." Simula kanina tahimik, ngayon lang ata sya nangsalita.

"Where's your parents??" I asked. Napaawang ang labi nya. Then after a few seconds he shut me a smile. "Why did you asked, all of a sudden??"

"They're not here." Seryoso ako habang kinakausap sya. "Because they're not here." Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi nya. "Seriously, Janna." Aniya saka na bumalik sa pagkakasandal sa upuan nya.

"So, Janna. Kailan kayo nagkita ulit??" Nilingon ko si Kendrick. "Nung isang araw pa." Bakas ang galit sa boses ni Paul. Natigil sa pagkain si Ate Ionne at natuon ang attension sa dalawa.

Kendrick smirked. "Ikaw na pala si Janna??" Nanunuya ang boses nya. Nilapag nya ang mga kubyertos sa lamesa at saka sumandal sa upuan nya. "Am I not allowed to answer??"

Still You #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon