Isang malakas na uha ang pumailanlang
Sa tahimik na gabi mula sa isang liblib na lugar. Tanging ang mga ibon, kuliglig at tunog ng mga puno ang nagbunyi para sa pagsilang ng isang sanggol.. "ahhhh babae , babae ang iyong anak aling polay". "Tingnan ko ang anak ko ang naluluhang saad ni aling polay". Ang bata ay isang maputi, kainaman ang laki at timbang at may mukhang bagaman at bata ay hindi mo masasabing tanging magulang lamang ang maaring magmahal.. Matapos linisin at bihisan ay ipinakita ng kamadrona sa tatay ng bata ang munting sanggol.. Marahil lukso ng dugo ang gumana sa bata at sa pagkita sa knyang ama ay tumahimik sa palahaw na pag iyak.. subalit ang kanyang tatay na c mang john ay tumingin lamang at ni hindi hinawakan ang batang bagong silang.. ang bata ay pinangalanang "magdalena" ang pangatlo at nag issang babaeng anak ng mag asawa.. at dito nagsimula ang mahabang kwento ng kanyang buhay.....
YOU ARE READING
Medalyon
RandomIsang kwento ng pagkabata, paglaki , pagmamahal at pakikibaka sa buhay may asawa