Isa, dalawa , tatlo
Ilang taon naba mula nung magkakilala tayo?
Nagsumpaan tayong dalawa na dapat walang magbago,
Ngunit ang sumpaang iyon ay tila ba naglaho,
Nakilala mo siya't ako'y iyong kinalimutan,
masisisi mo ba ko kung ako'y nagtampo man?
ang saya na gumuhit sa labi mo nung magkasama kayo sa larawan,
ay tila dumurog sa puso ko, bat moba ko kinalimutan?
Bes, ako yung taong hindi ka iniwan sa lahat ng problema,
pinatatawa ka pag malungkot ang iyong mukha,
ginagawa ang lahat para lang ikaw ay sumaya,
pero nakakalungkot isipin na ako'y tinalikuran mona,
Dumating ang araw na iniwan ka niya,
Lumapit ka sakin at niyakap kita,
Bes alam moba kung gaano kita namiss?
Ang sakit isipin na halos ang tagal mo rin akong tiniis,
Pero nagpakatanga ka sakanya,
lahat ng pride mo, lahat yon ibinaba mo na,
alam mo bang di ko kayang makita kang lumuha?
Nang dahil sa isang babae na walang ginawa kundi ang saktan ka,
Kinalimutan mo nanaman ako,
okay lang, masasanay rin tong puso ko,
pero sana wag mong kalimutan na lagi akong nandito,
na pwede mong balik-balikan sa oras na kailanganin moko,
Di ko kailanman hiniling na dapat sakin lang ang atensyon mo,
pero kung ganyan lang na sinasaktan ka niya matagal ko nang hiniling ito,
Lahat ng pinagsamahan naten ay iyong tinalikuran,
masakit sa damdamin dahil isang babae ang naging dahilan,
akala ko ba walang iwanan?
pero ba't ganto ako'y iyong nilisan,
Bes nagkulang bako sayo at ginanito moko?
ang sakit sakit, dinurog mo ang puso ko,
Di ako titigil na umasang babalikan moko,
pero nagmamakaawa ang puso ko,
bes balikan moko,
nandito lang ako naghihintay sayo.