7 Not The Same

9.6K 199 8
                                    

[Zandro POV]

Four years had passed at ang daming nagbago. Eleven years old na si Kael at five years old si Elliza. Since Bella passed away, siya na ang nagin ama at ina sa mga anak nila. Ginampanan niya ang maging magulang ng kanilang mga anak ng magisa.

The happiness, the laughs and the love they we're used to as family ay hindi na kasing sigla gaya ng nabubuhay pa ito. Hindi lang siya at mga anak niya ang nawalan pati na rin ang mga malalapit nilang pamilya at mga kaibigan. Hindi nila lubos akalain na 'yung araw na 'yun, 'yun na ang huling paalam ni Bella. Iilang imbestigasyon at ilang beses na binuksan ang kaso kung aksidente o foul play ang nangyari pero kailangan nilang tanggapin na aksidente ang nangyari.

Hanggang ngayon pinagsisisihan pa rin niya ang kanyang sarili sa nangyari. Kung hindi lang niya ito pinilit na sunduin si Kael sa eskwelahan, hindi sana ganito ang kahihinatnan ng buhay nilang lahat. Pero, may magagawa pa ba siya? She's four years dead. Walang ibang sisisihin kundi siya.

Pero pinipilit pa rin niyang magpakatatag sa mga anak nila. Kung hindi dahil kina Kael at Elliza, hindi siya magiging matapang na harapin ang buhay araw-araw.

Umaga at nasa hapagkainan silang tatlo at kumakain ng agahan. Si Kael ay nagaaral at consistent honor student at si Elliza naman na kahit hindi pa naiintindihan anong nangyari sa mama nito, pansin niya na hindi ito nagta-tantrum at palaging dumidikit kay Kael. Kahit medyo busy siya sa kompanya, binibigyan niya ng oras ang mga bata para magsaya. But sometimes, nakakaramdam siya ng lungkot kapag nababanggit ng mga bata ang mama nila.

Hindi siya binibigyan ng sakit ng ulo at para bang sila pa ang umiintindi sa kanya dahil minsan, iniiwan niya ang mga anak niya sa kanilang Ninang Elizabeth para matignan at maalagaan while nasa business trips at conference siya. He did the best he could do as a parent para hindi maramdaman ng mga anak niya ang pangungulila ng ina.

But these past months, ang dami niyang ginagawa sa kompanya at iniiwan niya ang mga bata sa bahay ni Elizabeth. Ganoon din ito na busy na sa trabaho dahil ito na ang namamahala sa restaurant ni Bella kaya naman nakapagisip siya ng paraan para naman hindi siya umaasa palagi kay Elizabeth na alagaan ang mga bata. Naaawa na rin siya kay Elizabeth dahil pagkalibing ni Bella, ito mismo ang nagpresinta na pamalakad ang aniwang restaurant ni Bella at tulong na rin ito sa kanya dahil noong araw na 'yon hindi niya alam anong gagawin niya sa restaurant.

"Are there any activities on your school today, Kael?" tanong niya sa anak.

"Nothing much, Dad." Sagot nito. "But the teacher gave us time to study for the exam."

"Don't overwork yourself, okay? If you have time, you can do whatever you want with your friends."

"I only play with Evan." Si Evan ay anak na lalaki ni Elizabeth. Ilang buwan ang pagitan ng dalawa pero magkabarkada ito at palaging magkasama. Magkaklase din ang dalawa kaya palagi itong magkasama.

Napansin din niya ang pagbabago ng ugali ni Kael. Hindi gaya noon na masayahin, palakuwento at hindi titigil sa kakasalita kung hindi nila masasagot ang mga tanong nito. Ngayon, tahimik, seryoso at focus lang sa pagaaral.

"You should have more friends, Kael. Si Evan ba may iba ring kaibigan?"

"I don't know. I didn't ask him."

"Kael, I wanted to tell you something. I've decided na bago ko gawin, dapat alam mo anong plano ko."

"What is it, Dad?"

"Daddy has so many things to do. I may be at the company working for a whole day at hindi ko maiiwanan ang mga iyon. So, I decided to hire a babysitter sa inyong dalawa ni Elliza."

Faded Memories (Sequel of Mister Billionaire's Secret Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon